Hindi ko naman masisisi si Dominic sa pagtatanong niya like he doesn't trust me around Arron. Before Arron showed up in our life, I opened up breaking up with him tons of time at pagkatapos-may naririnig pa siyang issues tungkol sa amin ni Arron. He might not tell me na may mga balitang kumakalat-he might not be confronting me about it pero alam kong may naririnig siya. And because of that, I feel like crying dahil may tiwala pa rin siya sa akin. He still trusts me even though I don't deserve it.

"Hm. I heard it flying around. Trending ka na for weeks sa loob ng campus ha." she pointedly looked at me.

I know that. I don't know it first hand dahil wala naman nagco-confront ng bagay na iyon tungkol sa akin. Wala rin naman ako naririnig dahil wala naman naglalakas sa loob but Arron already warned me about it. After all, yun ang lesson two. He wants people to build suspicions. Ngayon, natatakot ako marinig ang susunod na heartbreaking lesson.

"I wasn't feeling well that day." I assessed and she nodded.

"It's true that Arron brought you to the infirmary then?"

"Yep." tumango ako like it wasn't a big deal because it's not really a big deal. Binuhat lang naman ako ni Arron dahil hinimatay ako. Hindi naman ata tama at makatarungan kung kaladkarin niya ako papuntang clinic, hindi ba?

Napasigaw ako nang biglang may humampas sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin si Frannie dahil siya lang naman ang kasama ko at ang may lakas ng loob na manghampas sa akin. "You whore! Yep lang? Sabihin mo sa akin yung buong kwento!"

Inismiran ko siya at hinimas-himas ang braso ko na paniguradong magpapasa sa paghampas na ginawa niya sa akin. Meron pa naman ako ngayon. "Ang sadista mo talaga! Hinimatay lang ako, at nagkataon na nandoon siya... Okay? Yun lang yon. War kami that time dahil hindi niya ako sinipot nung inaya niya akong umalis one time then he showed up and I fainted. That's it."

She was eyeing me suspiciously. Siguro ay tinitingnan niya kung nagsisinungaling ako. Well, hindi naman ako nagsisinungaling. And if ever man nagsisinungaling ako, she won't know it dahil si Arron lang naman ang nag-iisang tao na nakakaalam sa tuwing nagsisinungaling ako and until now, hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon.He's like a damn lie detector.

Pinakawalan ako ni Frannie sa topic namin dahil binayaran niya na yung pinamili namin-more like, niya. I just picked the cropped top na may spaghetti strap na isinukat ko kanina nang wala na akong ibang mapili and gave it to Frannie kasama nung isang sheer top.

I was getting hungry when she finished shopping. Bumili siya ng dalawang jeans at isang bag. May nabili rin akong isang shoulder bag para sa akin dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko. And it's on sale! Isa kaya iyon sa mga weaknesses ng mga babae.

Dumaan muna kaming department store dahil mauubos na daw ang liquid concealer at cream niya. I agreed dahil bibili na rin naman ako ng cream powder para sa sarili ko dahil ubos na rin ang akin.

"Look Allie, may free ring oh." nakangiting iwinagayway ni Frannie ang singsing sa daliri niya. Kuminang naman ang isang maliit na princess cut na diamond doon. I almost scoffed in front of the staff dahil alam kung peke iyon kaya umiling-iling na lang ako."Let's just go." I laughed at her.

Tuwang-tuwa si Frannie sa singsing sa kamay niya. Itinataas niya pa ito at tinititigan na kala mo bigay iyon ng boyfriend niya. Well, mababaw naman na talaga ang kalagiyahan ni Frannie dati pa kaya hindi ko naman siya masisisi. Natawa na lang ulit ako habang naglalakad kami papuntang Pepper's Lunch dahil doon unang nag-aya si Frannie.

"You do know that it's fake right?" pang-asar ko dito and Frannie pushed me away from her.

"Basag trip ka talaga kahit kailan." bumelat na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita dahil nasa harapan na kami ng counter. Mabuti na lang at walang pila. Minsan kasi ay maraming kumakain dito kaya naghihintay pa kami-and in the end, maiinip siya at kakain na lang kaming dalawa sa iba.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon