Chapter 36: Wonderstruck

Start from the beginning
                                    

Habang nagsasalita yung mga emcee sa harap, nakaramdam kaagad ako ng antok. Ano ba ‘yan, nag-uumpisa pa lang yung ceremony, inaantok na ako. Kinuha ko yung dala kong clutch at tumingin sa orasan ng cellphone ko. 6:56. Okay. Five hours and four minutes to go. Kahit ba maganda ang lugar at mukhang pang-fairytale hindi ako magtitiyaga. Lalo pa’t inaantok na ako.

Nagbigay ng mga opening remarks at kung anu-anong cheche bureche yung mga may matataas na katungkulan sa school tapos konting salita pa mula sa emcee tapos viola! Dinner time! Ang dahilan kung bakit ko pinagtitiyagaan ang Prom.

Sa buffet table, sobra namang maglagay yung mga waiter ng pagkain sa plato ko. Pinapabusog talaga nila ako para daw sulit yung pagpunta ko sa Prom. Pagbalik ko sa table, dahil mahaba naman yung table cloth at hindi makikita yung gagawin ko, tinanggal ko yung sapatos ko at finold yung kanang paa ko sa ilalim ng kaliwang binti ko. Much better.

“Masarap?” nasa kalagitnaan na ako ng pagsubo sa pasta noong tumabi si Dan Gab sa akin.

“Bakit ka nandito?” May nakatakdang mga upuan kasi para sa amin. At bawal na bawal mag-seat hopping.

“Ito naman si Sofia, parang ayaw akong makatabi,” pa-effect pa siyang tumingin sa kabila para nakaharap sa akin yung likod niya.

Sinubo ko yung pasta. Huwag nating paghintaying hindi sinusubo ang pagkain. Noong nalunok ko na yung pasta, saka ko siya kinausap. “Paano yung katabi ko? Saan siya uupo? Kakain pa yun.”

Humarap uli siya at kinuha yung kutsara at tinidor niya. “Nakipagpalit ako sa kanya. Ka-table ko yung crush niya kaya win-win situation kami.”

“Paano naman naging ‘win’ sa’yo yun?” tanong ko sa kanya. Kukuhanin ko yung dessert spoon pero pinigilan niya ako.

Tumingin ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya. “Basta kasama kita— nakikita, nakakausap, nakakatabi—pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo. Sofia, alam kong ilang beses ko ng sinasabi sa’yo ‘to pero hindi pa kita susukuan. Oo dati dapat gagawin ko na ‘yun. Kaso naisip ko, kung kelan nasa kalagitnaan na ako, doon pa ako susuko. Nakapaghintay ako ng apat na taon, ano pa ang konting extension? Tsaka di ba nga sabi ko kahit friendship lang ang kaya mong ibigay, okay lang sa akin?”

Nag-sigh ako. “Alam mo ba kung gaano katigas yang ulo mo?”

Ngumiti na siya at nagbiro. “Araw-araw kong naririnig ‘yan sa Mama ko. Hindi mo na kailangang ipaalala,” tapos tumuloy na siya sa pagkain na parang wala siyang importanteng sinabi kanina. “Uy! Dessert! Ikukuha sana kita kaso madami ka nang nakain.”

Nagpatuloy ang gabi noong nagsayaw na ng cotillion ang selected students. Meron din yung mga teachers. Pagkatapos ng cotillion nilang lahat, binuksan na yung dance floor at nagsimula ng magpatugtog yung deejay ng upbeat music. Noong umpisa walang sumasayaw. Kung hindi pa sisimulan ni Mrs. Refulgente ang pagsasayaw sa gitna, wala talagang pupunta sa gitna. Inaaya na nga ako ng ilan kong classmates na sumayaw pero sabi ko pwede pa namang gawin ‘yon mamaya. Kaya pass muna ako.

Pagkatapos ng ilang lively music, pinalitan yung song at ginawang slow. Yung mga single na tao biglang nag-evacuate at yung mga may “other half” ay nagsimula ng magsayaw sa tugtugin. Yung iba sa kanila syempre hindi naman talaga couple. Yung mga lalaki ginagawang chance ang prom para mag-confess ng feelings nila. Ang totorpe talaga.

LimerenceWhere stories live. Discover now