"Ah! Gusto mo sabay na tayong pumunta sa paaralan tuwing umaga?" suggest niya. Sasagot sana ako ng oo dahil sino ba ang hindi gustong araw-araw makasama ang isang mabait at gwapo pa na kapitbahay mo (kahit sa unang street pa siya) at sa tingin ko matalino din itong si Beryl, feeling ko ahahahaaha. 


"Ano.." Ay... Hinahatid pala ako ni Bulag tuwing umaga pero pwede ko naman siyang tanungin na hindi niya na ako ihahatid dahil mukhang hindi naman siya pumapasok palagi nalang natutulog sa puno. 



"Soooo?" 


"Itatanong ko muna sa lolo ko kung papayag siya" 


"Ha?" 


"Dahil hinahatid niya kasi ako tuwing umaga eh tsaka buti nalang din na suggest mo yun mas mahal ang gas kaysa dalawang ride lang ng bus araw-araw" I explained to him nung natanaw ko na ang building ng susunod kong class.



"Bye Beryl. See you around" Paalam ko sa kanya at tumakbo papunta sa building namin. 


"Sana pumayag lolo mo!" sigaw niya kaya napatawa ako. Lolo Ethan, yes ahahahahahhah



--


Finally tapos na ang lahat, nagsimula akong naglakad papunta sa parking lot kaso bago ako makarating dun. May babaeng kumuha sa kamay ko



"Ano?!" inis kong tanong, sino ba ito? Gusto ko nang umuwi ng bahay at matulog. Nakaharap ko ang mga 5 babae na mga damit na di ko maexplain ang mga mukha. Okay lang naman magmake-up kaso sila nagmamake-up parang may event araw-araw but whatever.


"Diba ikaw si Jenny Madrigal?" tanong nila sa akin tas pinalibutan. Jusko, ang dami nila tas ang tataas dahil nakaheels.


"Oo, May problema ba sa pangalan ko?" tanong ko sa kanila. Mas lumapit sila sa akin na mas kinatakot, ano gusto nila ng suntokan? Tanggalin muna nila ang mga heels nila ang tataas nila. Di ko masusuntok mukha nila. 


"Boyfriend mo ba si Ethan?" tanong nung isa sa kanila. 



"Hindi" sagot ko kaagad


"Sinungaling! Bakit mo siya kasama palagi?!" tanong nung num. 2 


"Bakit pa kayo nagtanong kung alam niyo na pala?" pilosopo kong tanong ko sa kanila. Susugurin na sana ako ni num. 4 kaso pinigilan siya ni num. 3



"Have patience, maganda tayo. Remember?" tas naginhale-exhale pa si num.4, Maganda pwe. pero sa totoo lang natatakot na talaga ako, ang dami nila tas isa lang ako. UNFAIR! Hindi ba pwedeng humanap ng back-up?


  

"Magsasalita ka ba ng totoo o hindi? Dahil ang dami ng kumakalat sa internet na mga videos niyong dalawa at pictures na magkasama tas idedeny mo pa na hindi mo siya boyfriend?" Tinaasan ako ng kilay ni num. 5



"Stalker..." bulong ko naman kaso narinig nila na mas ikinagalit ni num. 4 kaya bigla niya akong sinabunutan



"ARAY!!!"



"BITAWAN MO BUHOK KO" tas nagsama-sama na ang 4 



ANG BUHOK KO TULONG!!!!!!!!!!! ANG SAKIT!! 


MALALAGAS NA YATA ANG LAHAT NG BUHOK KO, Binitawan ko ang lahat ng gamit na hinahawakan ko para mapigilan lang sila. Ang haba pa ng mga kuko nila, sirain ko ang mga nail art nila na meron sila tas parang tumutusok ito sa utak ko. Hindi ko mararamdaman kung anong sakit ang nararanasan ko kaya sinabutan ko na rin sila, ang isang kamay sa isang ulo habang yung isa ay nasa isa. Bahala na matanggal ang buhok ko. Pinagbangga ko ng malakas ang ulo ng dalawa kaya napabitaw ang dalawa at napatumba. 


2 down, 3 to go. Sakit na ng ulo ko!!! TULONG HELP HELP!! SUSPENDED AKO NITO PAG-NAGSUMBONG ANG MGA BRUHANG ITO



"BITAWAN MO ANG ULO KO!!!"



"URGGG!!!"




"MAMATAY KA BRUHA!!"



"INAGAW MO SA AMIN SI FAFA ETHAN, ANG LANDI LANDI MO TALAGA." Tatayo pa sana yung natumba kaya sinipa ko sila at napatumba ulit. Sinipa ko ang paa ng isa sa mga nagsasabunot sa akin kaso mas lalong humigpit ang kapit nila sa buhok ko. 



Buti nalang may naglayo sa kanila sa akin. Hindi ko alam kung sino dahil napatumba ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko pero hindi naman ako nahimatay. Ramdam ko pa ang mga kuko nila sa ulo ko at parang nagdudugo yata ang ulo ko or sa isip ko lang yun. Hinawakan ko ang ulo ko at wala namang dugo mabuti naman kaso masasabi ko na ang panget ko na siguro tsaka ano ang mangyayari sa buhok ko? 



Teka? Bakit puro itim ang nakikita ko? Gusto kong matulog ang bigat ng mga mata ko. 



Beryl on the multimedia

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon