Chapter 27

7K 143 9
                                    


Jenny's P.O.V.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Darlene

"Sa tingin mo okay lang ako?" Nakasimangot kong tanong ko sa kanya

"Ikakasal ka na! I'm so happy for you!!" Sabi niya with matching twinkling eyes, agad ko siyang sinapak at binigyan ako ni Darlene ng isang pout tas glare. Tsss, feeling cute.

"Di ko alam!!!" Ilang araw nalang ikakasal na ako. Sabi ni Mama Fe private wedding lang daw dahil pinabibilis aba ewan di ko alam, di ko gets.

Feeling ko mamatay na ako. Jusme, tulungan niyo ako

"Getting married to Ethan is not that bad" tinignan ko ng masama si Darlene

"Ikaw nalang magpakasal kay Ethan"

"Ahahahaha, divorce. May divorce" oo nga bat di ko naisip yun? May divorce!!! I hugged Darlene

"Talino mo talaga!!"

"Ako pa!" She slyly smiled

"Pero walang divorce sa Pilipinas" sabi ko sa kanya as I broke my hug

"Edi sa ibang bansa kayo magpakasal" she rolled her eyes

"Do you think my oras pa kami para dun? All set na daw ang lahat sabi ni Mama Fe tas sa judge lang daw kami ikakasal" nag-isip muna si Darlene and opened her mouth then later on closed it

"Private? Invited ako?" =____=

"Aba ewan, di ko alam" sagot ko naman

"Ask Tita Fe ha? Don't forget about it!" Tumayo siya at tumakbo palayo.

"Sus bat ba big deal yun para sa kanya?" Tanong ko sa sarili ko at nagsimulang maglakad papunta sa building namin.

What's with this atmosphere? Bat ba feeling ko may sumusunod sa akin? Huminto ako at lumingon sa likod. Nakita ko yung mga tao na naghihintay sa susunod na class nila sa labas ng room at umiwas ng tingin sa akin.

Anong meron? Don't tell ma natagusan ako? Nakita ko silang tumatawa bigla.

Natagusan ako? Ay teka wait wait.

Wala naman ako ngayon, so it's impossible. Anong meron?

"Ms. Jenny"

"JUSKO!!" Napatalon ako bigla

"Kuya naman eh! Wag kang pasulpot-sulpot kong saan-saan!! Gusto mo ba akong mamatay ng maaga ha?!" Sunod-sunod kong reklamo

"Ms. Jenny?"

"Sino ka?" tanong ko sa kanya

"New secretary ng dean" ngiti niya sa akin. Anong nangyari kay Secretary Qui?

Ngumiti ako sa kanya at sinundan siya, ewan ko ba kong bakit ako tinatawag ng poging dean. Kumatok muna ang Secretary before coming inside the room

"Mr. Choi?" Tawag niya pagkapasok namon sa loob. Mr. Choi? Wag mong sabihin si Ethan naman to? Pumasok pa kami sa isang room tas nakita si Pogi Dean?

"Hello Jenny" ngiti ni Pogi Dean

"Hello po" I bowed tas umupo, nakita ko yung glass na nakasulat pangalan ni Pogi Dean. Ilang ulit na ako nakapunta dito pero di ko parin alam ang pangalan ng Pogi Dean ahahahaha.

Terrence Choi

Terrence Choi? Choi?!!!!!!

Napansin ni Pogi Dean ang pag-iba ng mukha ko

"What's the problem, niece-in-law" ngiti ni Pogi Dean sa akin

Niece in law? What?

"Po?"

Married with a GangsterWhere stories live. Discover now