Chapter 67

3.5K 79 8
                                    

Jenny


Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Oz sa akin. May hindi pa ba akong nalalaman tungkol kay Ethan?


"Ija? Lalim yata ng iniisip mo." tinignan ko si Manang Lila na may dalang walis.


"Wala lang" ngiti ko sa kanya at pumunta sa living room upang manood ng T.V. Tinignan ko ang wall clock at napansin na alas-10 na pala ng gabi. May pasok pa bukas at dapat sana mag-aaral ako kaso ayaw pumasok ang pinagaaralan ko sa isipan ko.


"Hay nako" kinuha ko ang libro ko at nagsimulang magsolve ng mga problem baka sakali mawala ang iniisip ko. Hindi nagtagal pinasok ako ng antok kaya tumigil na ako at matulog. Binuksan ko ang cellphone ko at napansin na iba na ang wallpaper ng phone ko. Mukhang pinalitan ni Ethan ng mukha niya. Lumabas ang num. ni Ethan, hindi na ako nagdalawang-isip upang sagutin ito.


"Hello?"


"Jenny, you are still awake?"


"Natutulog ako, sinagot kita sa panaginip ko."


"Okay, I'm more interested talking to the awake Jenny."


"Gago ka talaga." tumawa siya sa kabilang linya


" Bigla-bigla may unknown na number ang tumawag.


"Hello?


"Jenny Madrigal?"


"Yes, sino po ba ito?"


"Or should I say Mrs. Jenny Choi?"  Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, iilang tao lang ang may alam na kasal na ako kay Ethan

"Sino nga ito?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay kanyang pinutol ang tawag. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Hindi kaya mga kalaban yun ni Ethan sa battle? Scrineenshoot ko muna yung nim. bago ko tinanggal ang sim at tinapon ito sa may basurahan.

Tinignan ko ulit ang wallclock at nakitang lagpas-12 na kaya naisipan kong matulog. Umakyat ako, what the heck was that? Naghanda na ako para matulog kaso nung papahiga na ako may kumatok sa bintana ko. 


Wait, bintana ko? Binuksan ko muna yung ilaw upang makita kung sino ang kumakatok sa bintana ko kaso ang tanging nakikita ko ay ang anino ng taong kumakatok. Lumabas ako kaagad sa kwarto kaso may lalaking hindi ko kakilala ang nasa harapan ko.


"Sino ka?!!" Mas lumakas ang tibok ng puso ko. nasaan ba si Manang Lila?! Paano sila nakapasok dito?!


"You're Jenny, right?" tanong ng lalaki sa akin, hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatakip ito ng facemask at ng shades. 


"Hindi.." mahina kong sagot sa kanya 


"STOP JOKING!" malakas na sigaw niya, nabigla ako at natapik ko ang flower vase at nabasag ito. 


"Nagtatanong ka pa, kilala mo naman pala." bulong ko sa sarili


"Ano sabi mo?!" nabigla ako kaya naapakan ko yung basag ng flower vase. Galing ko talaga, nagawa ko pang magbiro sa oras na ito tas ang tanga ko naman para maapakan ko yung basag na flower vase.


"You never failed to amuse me, Jenny." rinig kong tawa ng isang lalaki, na pamilyar ang boses. Tinignan ko ang may-ari ng boses ay parehong tao pala sa nagtangkang buksan ang bintana ko kanina.


"Beryl?" Nakalimutan ko ang sakit ng paa ko, siguro nakabukas na ang bibig ko at hindi ako makabuo ng mga salita dahil sa sobrang gulat ko na makita siya dito. Katulad ng lalaking sinigawan ako kanina, nakafacemask din siya kaso hindi siya nakasunglass.


"Surprise?" teka, anong nangyayari dito? at bigla-bigla may panyo na nakatakip sa bibig at ilong ko.


Pinigilan ko ang sarili kong makatulog dahil sa sobrang hilo. Teka, bakit ako biglang nahihilo? Amoy matamis?


"and goodnight." at naramdaman ko ang sariling humina at nakatulog sa inaasahan kong may basag na flower vase na sahig kaso hindi ito dumating at nakaramdam ako ng mga braso nakayakap sa akin. 

Married with a GangsterWhere stories live. Discover now