Thirty-Nine. With Autumn

3.4K 56 2
                                    

Writer's note: Ms. AnimeAddict, oo nga eh. Akala ko nga hindi mo na nababasa... hehe :DD Ah! Guys! 11k na tayuuuu!!!!!

&&&

previously on The Evil Prince...

Community Service ang naging parusa para kina Phoenix at Aj. Naging maayos naman ang pagta-trabaho nila... nakapagsegway pa sila ng "fanservice".

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty-Nine. With Autumn

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Ayoko ng fanservice.".

"Lagot ka kay Autumn kapag may kumalat na picture mo.", sabi ni Aj.

Medyo kinabahan ako dun pero, "Ipapaliwanag ko nalang sa kanya.", sabi ko. Tapos na-realize ko bigla, "Parang wala ka dun kanina ah.", sabi ko, "Mas malala ka pa kaya sakin. Wala kang polo.".

Napakamot nalang siya ng ulo. "Aba. Ang init nga eh.", sabi niya.

"Ganun naman pala eh.", sabi ko naman, "Yun din ang naramdaman ko nuh.". Pagkatapos naming, ilagay yung mga gamit panglinis sa storage room, nagpunta naman kami sa boy's locker room para kumuha ng polo at magpalit na rin. "Kain na tayo.", sabi ko pagkatapos makapag-ayos.

"Tama ka diyan.", sabi ni Aj, "Nagugutom na nga ako eh.". Nagpunta na kami sa cafeteria para kumain. Nakita namin si Autumn at tinawag siya ni Aj, "Autumn.". Lumapit siya samin. "W-wala lang.".

Siniko ko si Aj sa tagiliran at bumulong, "Tinawag mo siya tapos, wala lang?".

"Sabay na kayo sakin.", sabi ni Autumn, "Inaantay ko nga kayo eh.". Hindi na kami nagsalita at sumunod na kami kay Autumn sa table.

"Ako na ang bibili.", sabi ni Aj. Tumango nalang kaming dalawa ni Autumn sa kanya at nagbigay ng pera. "Mag-usap muna kayo.", sabi niya, "Baka may gusto kang itanong kay Mr. Fanservice, Autumn.", at saka siya umalis.

Nang-asar pa talaga. Tiningnan ako ni Autumn. Ngumiti lang ako tapos umiwas na siya ng tingin. "Ayos ka lang, Autumn?", tanong ko sa kanya kasi parang iba ang mood niya kumapara kaninang umaga.

"Ayos lang ako.", sagot niya.

"May sakit ka?". Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang palad ko sa noo niya. "Anong nararamdaman mo?", tanong ko tapos hinawakan ko ang kamay niya.

"Ayos lang ako.", sabi niya, "Wala akong nararamdaman na kahit ano.".

Hindi ko inaasahan ang sagot niyang yun. Wala ba talaga siyang nararamdaman para sakin?... "Ah. Okay.", sabi ko tapos binitawan ko na ang kamay niya. Tapos naalala ko yung sa rooftop, yung date, yung promise. "Alam mo naman siguro yung sinabi mo kagabi, diba?", tanong ko sa kanya, "Yung promise.".

"O-oo.", sagot niya. "Nag-promise ako na... sa'yo lang ako.".

"Kung napipilitan ka lang...", sabi ko, "Ayos lang kahit wag na.".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon