Thirty-Six. Failure

3.6K 59 4
                                    

Writer's note: Guys! Try niyo rin basahin ang Your Guardian Angel ko! ^___^ Pag may time :)))) Thanks!

&&&

previously on The Evil Prince...

Nakilala ni Phoenix si Tristan at nalamang na-love-at-first-sight yun kay Autumn. Kahit ganun naging maayos pa rin ang pakikipag-usap ni Phoenix kay Tristan pero sa huli may iniwan siyang sulat na babala para kay Tristan na huwag niya nang ituloy ang balak na panliligaw kay Autumn.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty-Six. Failure

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Panibagong araw! Ang saya ng araw ko ngayon!...

Pero na-badtrip ako, pagdaan ko sa hallway. "Uy!", sabi ng isang lalaki sa kaibigan niya, "Pwede na nating ligawan yung babaeng magaling mag-basketball!". Kung hindi ako nagkakamali, si Autumn ang tinutukoy nila. Matagal na yun ah. Hindi pa nakalimutan?

Natawa yung lalaki, "Oo nga.", sabi niya, "Magkapatid naman pala sila ni Aj. Kawawa naman si Aj.". Tumawa rin yung kausap niya. "Iyak siguro yun!", dagdag niya tapos tumawa silang pareho.

Balak ko na sanang banatan yung dalawang gagung yun pero nakita ko si Autumn pagkalingon ko dun sa dalawang lalaki.

Nang napansin kong balak lapitan nung dalawa si Autumn, tinawag ko agad siya, "Autumn!", sabi ko tapos lumapit ako sa kanya.

"Ah. Phoenix.", sabi naman ni Autumn, "Good morning.". Nakita kong napatigil yung dalawa.

Pagdaan namin sa kanila, "May pupuntahan tayo mamaya ah.", sabi ko kay Autumn habang nakatingin nang masama dun sa dalawang lalaki, "Huwag mo'ng kalimutan.". Tumango naman si Autumn. Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya, "Date yun.", sabi ko nang nakangiti.

Ngumiti rin si Autumn. "Hindi ko kakalimutan. Promise.", sabi niya, "Asahan mo yun.". Habang ginagawa at nakikinig kay Autumn at sinasabi ko ang lahat nang yun, nakatingin lang ako dun sa dalawang lalaki at napansin yun ni Autumn. "Sinong tinitingnan mo?", tanong niya.

"Ah. wala.", sagot ko naman. Tumigil si Autumn sa paglalakad at napatitig sakin. "Okay. Okay. Hindi totoong wala.", sabi ko, "Meron nga akong tinitingnan.".

"huh?", sabi naman niya. Tumungo siya at pinagpag ang palda niya. "Hindi masyadong naplantsa.", bulong niya.

Hay! Yun lang pala? Akala ko napansin niyang nagsinungaling ako eh. Hindi nalang ako nagsalita kasi binulong lang naman niya yun sa sarili niya.

Dumiretso na kami sa classroom. Iniwan ko lang ang bag ko dun at nagpaalam muna ako kay Autumn. Nagpunta ako sa classroom ng C. "Aj!", tawag ko sa kapatid ni Autumn, "Magde-date kami ni Autumn mamaya.".

Lumabas siya sa room at lumapit sakin. "Anu?", sabi niya, "Isasama niyo ako?".

"Hindi nuh!", sagot ko naman, "Nagpapaalam lang ako sa big brother niya.". Tinapik ko ang likod niya.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon