Fourteen. I lost again

5.8K 118 4
                                    

Writer's note: Waaahhh! Eto na yun!! Excited ako para dito kaya sana magustuhan nio! :DD Thanks po sa patuloy na nagbabasa! :)) "Enchanted City" :3

&&&

previously on the Evil Prince...

Mabilis na dumaan ang isang linggo ng school festival. Sa huling araw, may sasabihin sana si Alexander kay Autumn pero nakalimutan naman ni Autumn na magpunta kay Alexander. Si Phoenix at Autumn naman mukhang nagiging close na sa isa't-isa. Nalaman ni Phoenix na malabo nga talaga ang paningin ni Autumn dahil dun sa nangyari sa rooftop.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Fourteen. I lost again

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Pagkatapos ng school festival, sinimulan na ang field trip! at pang-third week na ngayon! Ibig sabihin, third year na ang magfi-field trip. Ganto kasi yun eh, sa first week - second year, sa second week - first year, at ngayon, kami na - ang mga senior! Section A kasi ako eh kaya una ang klase namin ngayong week na'to :DD

Mabuti na lang at by section ang field trip, at hindi namin ka-section si Aj. Akin lang si Autumn. haha!

Lumakad na'ko papunta sa room at wala pa ata si Autumn. B-baka hindi yun sasama?!!

"Bro!" pamilyar na boses... si Aj nga. "field trip niyo na ngayon!" sabi niya na parang mas excited pa sakin. "Sayang hindi niyo ako kaklase..." yun nga ang maganda dun eh sabi ng isip ko.

"Sayang nga." sabi ko. "Pero ayos lang yun!" ang plastik ko eh... "Bukas kayo naman ang magfi-field trip eh."

"Hindi eh." sabi niya, "Hindi ko kasi makakasama si Autumn...dba pupunta ng Enchanted City?" yun pala ang inaalala niya. Tumango naman ako sa tanong niya na pupunta ng Enchanted City. "Sayang talaga..." sabi niya with gesture ng kamay. Tinanong ko kung bakit naman iniisip niyang sayang... pakiramdam ko may kinalaman 'to kay Autumn eh. "Maganda kasing magconfess kay Autumn... habang nasa ferris wheel kami, yung kami lang dalawa. Kaso nga lang hindi pala pwede... sayang!" sabi niya na sa dulong sayang ay medyo inis na siya.

"ganun ba..." sabi ko kahit na ang kaluluwa ko ay gulat na gulat as in waaahhh! Magco-confess na siya?! baka yun yung binalak niyang sabihin kay Autumn nung huling araw ng school festival at napag-isipan niyang sa enchanted city na nga lang dahil gusto niyang romantic..., "p-pwede namang sa ibang araw na lang, diba?". Tumango naman siya sa sinabi ko pero parang masama nga talaga ang loob niya kaya naman sinabi kong, "saka hindi naman si Autumn yung type na kailangan romantic... kahit simple lang ayos lang sa kanya kasi simple lang naman siya diba at kahit simple lang siya, ganun pa rin siya mabait parin saka kahit ganun yung ayos niya lagi, maganda pa rin..."

"huh?" biglang tanong ni Aj na nagpa-realize sakin ng mga pinagsasasabi ko. shit.

"anung huh?" tanong ko sa kanya sarcastically, "diba yun naman ang tingin mo sa kanya? ano ka ba, Aj..."

"Ahhh..." sabi niya, relieved, "tama ka nga dun." Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinawakan naman niya ang kamay ko... KADIRI.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon