Kwek-Kwek & Gulaman

13 1 0
                                    


Flashback continues ..


Yung 2:30 kong log out naging almost 3:00. Uuwi pa man din ako sa bahay ng parents ko, super stressful ng call na yun!





Paglabas ko ng prod floor, I saw kuya Red may kausap sa work force. Nagmadali ako palabas nahihiya kase ako. Haha. Sana naman di n'ya ko nakita.








I got my things na from my locker palabas na 'ko papunta ng elevator..

Sa may lobby -

"Uy! Hinintay mo talaga ako noh? Naks! Manlilibre sya."


Kuya Red - ^___^

Ako - @___@



"Ikaw nga dyan! 2pm out mo ah, bakit nandito ka pa? Hmm hahaha hinintay mo 'ko noh?"





Ending? Sabay kaming bumaba at naglakad papuntang terminal. Casual na kwentuhan lang. Nagkukulitan pa din about sa monito-monita. Na maniwala na daw ako na s'ya nakabunot saken.



Isang bag daw na Sponge ireregalo n'ya saken!







"Uy kuya Red! Thanks talaga kanina. Siguro nandun pa ko sa call ko hanggang ngayon kung di mo ko tinulungan."


"Okay lang, libre mo lang ako food okay na."


"Sige, tara! Saglit lang ah kasi uuwi ako kina papa. San mo ba gusto kumain?"



"Di na wag na, nagbibiro lang naman ako."



"Tara na kase! Libre na kita. Para tutulungan mo 'ko ulit next time. Gutom na din ako e."




At napadpad kami sa Dr. Kwek Kwek. Favorite ko dito kasi nung nandun pa ko sa dati kong work, lagi kami kumakain ng best friend ko dito pagka-out namin before umuwi.


It turns out ako ang nilibre n'ya!
Hahahaha. Sagot ko pala yung gulaman. Nakakahiya naman kasi dapat ako talaga manlilibre.





"Saan ka ba umuuwi? Sayang wala ako dalang kotse hatid sana kita."



"Okay na 'ko. Dami mo na nagawa for me today considering na bago mo palang ako kakilala."



"Sus! Nahiya pa. Teammates naman tayo. Tsaka okay lang yun. O sya sakay ka na, punta na ko sa bus stop. Ingat."








.. end of flashback








OMG! Kinikilig pa din ako tuwing maaalala ko yung eksena na yan. Funny thing? Di pa kami ulit kumakain dun.



Pero tuwing napapadaan kami dun nagkakatinginan na lang kami tapos ngingiti. Hayy Red ko!





Nakakatawa pa kasi I used to call him kuya. Akalain mo yun. May times tuloy na pag trip ko s'ya inisin I tease him and calls him,

"Kuya Red"

Your UniverseWhere stories live. Discover now