Chapter 1

1.2K 54 11
                                        

Chapter 1

I am one of those who always took everyone's attention. Bawat taong makakakita sa akin ay sadyang di mapigilang ituon ang tingin sa akin. At sa bawat atensyon na iyon ay kapalit ang mga bulung-bulungan na kahit di man nila sabihin nang diretso sa akin ay batid ko kung ano ang mga iyon. Mga panglalait at pangungutya sa sariling pagkatao ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng isang lalaking humarap sa amin.

"Mag-a-apply."

"Alam mo ba hinahanap namin?" Kunot-noong taong niya sa akin.

"Oo. Nabasa kong naghahanap kayo ng female assistant para tumanggap sa mga bisita sa event."

"Tama pero di ka qualified. Nilagyan namin ng for pretty female assistant. Fashion show ang event. And in short we need attendant that can charm our guests who are all fashion enthusiasts." Taas kilay niyang sabi sa akin.

"Pero..."

"Next." Sinenyasan niya akong umalis sa linya. Ang mundo nga naman. Ba't ang pait mo sa akin. Umalis ako sa pila at nakayukong naglakad.

"Uy, hintay!" May biglang kumapit sa balikat ko. At sa sobrang gulat ko ay halos mahampas ko siya ng sling bag ko.

"Te-teka lang." Bigla akong natauhan kaya napatigil ako. Nakita ko ang mukha ng taong kumalabit sakin. Medyo mahaba ang buhok niya na halos abot na ang kanyag pilik-mata. Magulo ang buhok niya ngunit di maitatago na may itsura siya. He's face is as glowing as the sunrays.

"Be my model, please." Nakangiti niyang sabi sa akin. Gusto kong ngumiti pabalik ngunit nang maintindihan ang kanyang sinambit ay mas ikinagulat ko at napanganga na lang. This is the very first time na may pumansin sa akin. Is this even real? How can an ugly duckling like me become a model?

"Huh?" balik ko sa kanya. Totoo ba talaga ang mga narinig ko? Gusto kong maniwala na totoo nga iyon pero isang malaking kakatawanan na ako ay magiging isang model.

"Be my model. I know you can do it!" Muli siyang ngumiti nang napakalaki sabay hila sa akin kung saan. Di man lang niya ako hinintay na makasagot.

Nakarating kami sa lugar kung saan ang daming mga telang nakasabit. May mga manikin pang nakasuot ng mga magagandang damit.

"You're really serious? Mukhang nagkamali ka ng..." Di ko naituloy ang gustong sabihin dahil sa inabutan niya ako ng naparaming mga tela at damit. Halos lahat yata ng telang malapit sa kanya ay inilagay niya sa balikat ko. Halos matabunan na nga ako ng tela.

"Let's start." May tinitingnan siyang mga drawing. Ang ganda ng mga guhit na andoon. Mga designs siguro niya. Pero ano ba ang ginagawa ko rito?

"Ano gagawin ko? Alam ko na wala akong magandang katawan at mukha para magmodel. Kaya sana kung kelangan mo lang ng tagabuhat ay sabihin mo na lang ang totoo. Huwag kang..." Inilapit niya sa bibig ko ang isang hintuturo niya ngunit di parin inaalis ang kanyang tingin sa mga designs.

"Just be quite. You'll be my model." Ngayon ay humarap siya sa akin. May biglang kumatok naman sa pinto kaya napalingon ako.

"Can you give that to her." Napabalik ako ng tingin sa kanya. Tumango pa siya na parang nagsasabi na gawin ko na ang sinabi niya. Lumapit naman sa akin yung babae para kunin ang mga telang ibinigay niya sakin. Sumulyap naman ang babae sa kanya bago umalis.

"Ano na? Tigilan mo nga ako. Wala akong oras na makipaglokohan sa'yo. Kelangan kong magtrabaho." Inirapan ko siya bago nagtangkang talikuran siya.

"Sabi ko na ikaw ang model ko. And don't worry you'll be paid." Ngayon ay kampante siyang nakaupo sa isang silya na nakaharap sa skin nang hinarap ko siya. Ngumiti siya nang napaganda. His eyes are twinkling.

 His eyes are twinkling

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.
The Ugly Duckling's Beautiful Wish (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz