Chapter 213

795K 28.7K 28.3K
                                    

A/N: Sabi ko sa first part, hindi na ko nagpapasok ng mga bagong character. Yung mga nababanggit dito except kay Honey Bee Ryder ay mga reader na nag-request mabanggit ang name nila. Dahil naging mabait naman ako----este sila, pinagbigyan ko. Kaya wag nyo po sila gawan ng account.

Pero hindi na po ako tatanggap pa ng panibagong request. Last na yung huli kong kausap na sinabihan ko ng 'paantay lang po'.

Ganun din po yung sa Dedication. Magpost nalang po ako sa group kung tatanggap pa ko. Salamat!

King

Jay-jay's POV

Nanginginig ang kamao ko. Lima na ang napapabagsak ko at namamalipit sa sakit pero hindi pa rin tumitigil yung iba. Merong babangon at susubukan akong gantihan.

"Sumuko ka na." Pang-aasar ni Jason.

"Gago you!"

Buti sana kung sa pagsuko ko may darating para iligtas ako kaso wala. Mukang wala talaga syang paki sakin. Hinawakan ko ang gilid ng pisngi kong nag-iinit. Nadaplisan kasi ako ng suntok kanina.

Kainis! Pakiramdam ko ang hina ko.

Muli kong pinorma ang mga braso ko pang-salag sa kung anu mang tatama sakin. Kamao man yan o paa ng kung sino. Hindi nagtagal, panibagong suntok ang binato ng isa sa kanila sakin.

Tinamaan ang braso ko at muntik na kong matumba pero nakatindig ako. Binawian ko sya ng ipa sa sikmura at halos sumuka sya bago bumagsak.

"Jason! Ang tibay nitong babae na to!" Reklamo na isa.

"Nakakainip. Biglain nyo na!" Utos nya.

Bigla nalang sioang sumugod sakin. Sabay-sabay sila. Sunod-sunod ang natanggap kong suntok sa katawan. Pinilit kong protektahan ang ulo ko.

Bakit ba ko nahihirapan ng ganito?

Pinilit kong bumawi ng suntok at sipa sa kanila pero ginagamit lang nila ang pagkakataon para puruhan ako. Ilang beses nila kong sinuntok sa sikmura at braso.

Bakit ba hinahayaan ko silang ganituhin ako? Na-a-apektuhan ba ko ng sinabi ni Jason? Na-a-apektuhan ba ko ng katotohanang wala naman talaga syang paki-alam sakin? Na isa lang akong laruan para sa Hari ng mga Dimunyung Ulupong?

Nawala ako sa konsentrasyon. Sinipa ng isa sa kanila ang binti ko at naging dahilan yun para bumagsak ako sa sahig. Pinagsisipa nila ko na parang basahan.

"Hindi naman pala tatagal." Parinig ni Jason.

Bigla nalang silang huminto sa pagsipa sakin at unti-unting nagsilayo. Basa ang mga mata ko ng luha na hindi naman bumagsak.

Lagot! Magiging muta sila...

"Dumating din." Sabi ng isa sa kanila.

Inangat ko ang paningin ko at nagtagpo ang mga mata namin. Wala akong mabakas na emosyon sa kanya. Nakatayo sya sa entrance at wala akong makitang tao sa likod nya.

Sya lang mag-isa?

"Ang tagal mo naman... Wag mong sabihin na na-traffic ka, eh kanina ka pa dyan sa labas." Mapang-asar na sabi ni Jason.

Pinilit kong bumangon at gumapang palapit sa pader. Sumandal ako don habang nakasalpak sa sahig. Masakit ang buong katawan ko. Pati dibdib ko tinamaan din ata nila.

Medyo nabigla pa ko ng makita kong nakatingin sakin ang Hari. Para bang inaalam nya kung ganu kalala ang dinanas ko.

Wala nang lalala sa dinanas ko sayong hayop ka!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon