Chapter 16

1K 33 5
                                    

Prom

Xavier's POV:

Maaga pa lang at hindi pa masyadong maaninag ang araw ng lumabas ako ng bahay upang tumakbo sa paligid ng subdivision na kinatatayuan ng mansion namin.

Tantiya ko ay tulog pa si Xyra sa mga oras na ito. Wala kasing pasok at araw ng sabado. Madalas alas dyes na ito nagigising.

Malamig ang simoy ng hangin na nagpapasigla sa akin. Nag-inat muna ako bago simulang tumakbo. Halos nakadalawang oras din ako sa pagtakbo bago napagpasyahang umuwi.

Natapos ko na ang pagliligo at pagkain ngunit tulog pa rin si Xyra kaya nagbilin nalang ako sa kasambahay kung sakaling hanapin niya.

Suot ko ang paborito kong black outfit at leather jacket at lumabas na ako ng mansion. Sumakay na ako sa motor at pinaharurot na ito palabas ng subdivision namin.

Maaga pa kaya tumambay muna ako sa paborito kong bar. Buti nalang at kaibigan ko na ang may-ari nito na si Dred kaya kahit di pa nagbukas eh makakatambay ako anytime.

"Hey! Wala ka bang date mamaya? Diba prom ngayon ng mga junior high sa university niyo?" Nakangisi pang tanong ni Dred kasabay ng pag-abot ng drinks ko.

Nginisihan ko lang siya at umiling.

"I don't do minors.." natatawang sagot ko.

Humalakhak naman siya.

"Well, your not that bad after all.." sagot ni Dred at nagtoast kami.

Marami-rami din kaming napag-usapan bago nagpaalam sa isa't isa. I rode my motorcycle and hit the road..

Papaliko na ako ng makasalubong ko ang mga nagtatakbuhan palabas ng iskinita kung saan ako pumasok.

May natumba pa dahil sa tulakang nangyari.

"May rambol! Bilisan niyo baka maabutan tayo!"

"Naghasik na naman ang mga Warak gang na iyan! Dito pa napiling sumugod!"

Itinigil ko ang motor sa gilid saka naglakad patungo sa dereksyong sinabi na may rambol.

May iilan pang napatingin sa akin saka nagbulong bulungan..

So uso pala rito ang gang wars... Sino kayang namamahala ngayon dito?

Ang kaguluhang sinasabi nila ay kasalukuyan pa ring nagaganap. Nasa isang dosena yata ang naglalaban. Di man lang alintana ang mga nawasak na paninda sa gilid. May iilan ring naki usyuso sa nasabing rambol. May nakasilip sa bintana sa taas ng mga bahay.

Nakasuot sila ng itim na punit punit na damit na may tatak pa yata ng gang nila samantalang ang kalaban ay nakapula naman.

Tss... mukhang di naman galing sa underworld of gangsters.

Humalukipkip ako at sumandal sa pader habang pinapanood ang mga naglalaban.

Kanya kanya sila ng taktika. May iilang namang may alam sa martial arts at sandata.

Isang kutsilyo ang hinagis at napunta sa dereksyon ko dahilan upang umilag ako at sinalo ang punyal nito.

Ngumisi lang ako at saka ibinalibag pabalik ang punyal. Sakto lang ang tantiya ko at tumusok ito sa poste na nasa likuran ng naghagis nito. Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin ang iilan sa naglalaban.

Tumalikod na ako saka binalikan ang motor. Nagbavibrate na pala ang cp ko sa bulsa kanina pa at ng tingnan ko ito ay nakasampung missed call na si Xyra. Sinulyapan ko saglit ang suot na relo.

Inlove with the DEVIL [ILYMG series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon