CHAPTER 1: Fighting!

888 62 27
                                    

(A/N: Please read the prologue before reading this. Thanks!)

 CHAPTER 1:Fighting!

(CAMILLE'S POV)

"Waaahhhh! Mommy!! Yung Ice cream ko natapon!"

(TT o TT)

"Oh! tahan na anak, bibili tayo!"

"Wahhhhh!!!"

"Waaaaaahhhhhhhh!!"

SUSKO!! Ang ingay naman ng katabi ko oh! Hindi ba nila ko kilala?!

Hmm.. Hindi niyo pa pala ko kilala. I'm Camille Ocampo, 18 years old.  I'm an actress.

No.. used to be an actress. Wala na kong project ngayon. Naghihintay na lang.

Sabi nila cute daw ako, katamtamang tangkad, 5'2, maputi, at may red hair. Pero para sa akin ako ang "The goddess of beauty, brains and charisma."

"HINNNDEEEE!!!! Gusto ko yung ice cream na yun!"- Bata

"Pareho lang yun anak!"-nanay

"Bibili ka ni mommy ng bago."-Nanay

Nandito ko sa mall nakaupo sa isang bench. At dahil nagbabasa ako ng libro, hindi na ko nakapagtiis. Mahilig ako sa mga bata correction pero kapag ang privacy ko na ang pinag-uusapan iba na to...

Maka-privacy naman ako parang sikat eh no?

 Pero siguro kung magpapakita ako, mahihiya sila dahil starlet ang katabi nila.

"Uhhhmmm.. Excuse me?" Sabi ko habang tinatanggal ang shades na suot. Ngumiti ako at hinawi yung bangs ko.

Tumingin yung bata sa kin. Halatang umiiyak dahil mapula ang mata.

Tinitigan ko siya habang nakangiti pa rin.

"Mommy! Waaahhhh!! Takot ako! Takot ako!" Sabi ng bata habang tinuturo ako.

(>o<)

"Hindi na... shhhh... Hindi..Nandito si Mommy.."-Nanay

Tinitigan ako ng babae ng masama.  ( > , >)~~~~~~~

"Miss.. Kung pwede lumayo ka konti, natatakot anak ko eh. Ay wag na, kami na lang aalis. Madaming masamang nilalang dito. Baka isa ka sa mga BUDOL BUDOL gang, wala ka makukuha sa min! makaalis na nga."-Nanay 

ABA!!

Masamang nilalang?!

Budol Budol?!

Ako??  Kelan pa?!

BISCUIT naman oh!!

Naiinis ako dahil hindi niya ko kilala.

Nakakatakot ba ako?

Pumanget ba ko? 

Nalaos lang naman ah. For sure ginagaya niya pa dati mga lines ko sa sikat na tv show ko.

Umalis na sila at naiwan akong gulantang sa mga pangyayari.

Nakakastress ang mga panlalait sa kin..

Kaya...Nagdesisyon akong umalis na lang at pumunta sa Dairy Queen!

Yes!

Hansarapp!!

Dahil may energy na ko, naggala din ako sa iba't-ibang botiques para bumili.

Yup. Ito ang haven ko!

Loveteam (Ongoing Series)Where stories live. Discover now