“HAHAHAHA!! AYAN NA!! AYAN NA SILA!! HAHAHAHAHA.. NADIDINIG KO NA ANG MGA YABAG NILA! WHAHAHAHA.. TUTUSUKIN NANAMAN NILA AKO.. TUTUSUKIN NG PAULIT ULIT! TUTUSUKIN NG MARAMING MARAMING KARAYOM. HANGGANG SA MAMATAY AKO.. HAHAHAHAHA!!” pagkatapos nyang tumawa, tumalon sya sa kama at nagbalot ng kumot na para bang takot na takot..

“P---pero.. ayoko! Wag mo silang papuntahin dito.. papatayin nanaman nila ako.. pero. Nabubuhay ulit ako.. hehehehe.. parang magic.. tutusukin nila ako ng paulit ulit pero nabubuhay parin ako..” hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.. pinagmamasdan ko lang sya ng bumaba ulit sya at kinuha yung natapong gamot..

“ito… oo ito! kita mo ba? Ito yung lason na pinapainom nila sakin.. oo ito nga! Sabi nila pag ininom ko to gagaling ako.. bakit? Wala naman akong sakit diba? ikaw? May sakit ka ba??” then bigla syang lumapit sakin.. hindi ito ang unang beses na sinumpong sya na kasama ako pero.. bakit parang wala akong magawa??

“umiinom Ka rin ba nito?? Wag! Wag kang iinom nito! Mamamatay ka! HAHAHAHAHAHA!!!” umaalingawngaw sa kwarto ang pagtawa nya.. sh*t nasan na ba ang mga  nurse!!

“k---karen.. tama na… please..” yun lang ang nasabi ko at hinila ko ang braso nya papalapit sakin at niyakap ko sya.. bigla naman nya akong tinulak..

“hindi ako masaya.. hindi ako masaya.” Pagkasabi nya nun, biglang bumukas yung pinto at pumasok yung tatlong nurses..

“AAAAAAHHHHHHH” sigaw nya habang pinipigilan sya ng mga nurses, malakas si Karen kaya nahihirapan sa kanya ang tatlong ito.. ng makorner na nila si Karen. Naglabas ng injection yung isa.. yun ang tinuturok nila kay Karen pag nagwawala sya. pampatulog. Or should I say, panandaliang pagkamatay..

Kita ko na unti unti ng nagiging kalmado ang galaw ni Karen..

Nilinis narin ng mga staffs ang kalat na gawa ngpagwawala ni Karen.. pag alis nila agad akong lumapit sa kanya.. umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay nya..

“Karen I’m so sorry.. I didn’t mean to.. it’s just that…-------“ pinigilan ni Karen ang pagsasalita ko ng takpan nya ng daliri nya ang mga labi ko..

“ssshhh. Hindi mo kasalanan.. sya.. sya ang may kasalanan kung bakit ganito.. sya ang dapat sisihin dito..” nagsimula nanaman syang umiyak. Palagi syang umiiyak pag nabababanggit yun..

“hindi talaga ako masaya.. ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin ako sumasya. Sa tingin mo? masaya na ba sya sa buhay nya?” sabi nya habang humihikbi..

“kung mas masaya sya kesa sakin. gawin mong miserable ang buhay nya.. iparamdam mo ang nararamdaman ko. P----Patayin mo rin sya kagaya ng pagkamatay ko..” lumuwag na ang pagkakahawak nya sakin, nakatulog na nga sya..

 kinabahan ako sa huling sinabi sakin ni Karen..

Unusual para sa kanya ang magbitiw ng ganong salita. Lalo na seryoso..

hindi ko  alam ang gagawin ko. Pero..

siguro nga, hibang na ako para sundin sya..

nakakahawa rin pala ano? Nakakahawa ang kalungkutan..

nakakahawa ang pagkabaliw..

A Gangster's Kiss [Book One]Where stories live. Discover now