Nagtagis ang bagang ko. Ano bang problema niya? Bakit ba hindi na lang niya tanggapin ang proposal ko?


"Say please, Pamela."


Napayuko ako. Isipin mo ang mama mo, Pamela. Isipin mo ang pamilya mo. "P-please... marry me..."


Lumapit siya sa akin habang tumatawa. "Come here." Inalalayan niya akong tumayo. Kinuha niya ang singsing at isinuot sa daliri niya. "I will think of it."


"Ha?" Bumagsak ang balikat ko.


"Gusto kong maging aral sa'yo ang ginawa mo."


What the F? Eh, paano naman iyong ginawa niya sa akin? Paano yung pananabunot at pananampal niya sa kin? Di ba kailangan din ng aral yun?


Napatingin siya sa kanyang wrist watch. "It's time for lunch. Pwede mo ba akong ibili ng makakain sa baba?"


"Ha?"


"Remember? Kailangan mong bumawi sa akin, right?"


Napatango na lang ako kahit ayaw ko.


"Good. Pakibilisan dahil gutom na ako." Bumalik na siya sa kanyang executive chair.


"Ah... yung pambili."


Napangiwi siya. "Come on, Pamela, it's your treat."


Badtrip. Mukhang maglalakad ako pauwi dahil sakto lang ang pera ko.


...


PAGPASOK ko ng bahay ay nagulat ako. Nadatnan ko kasing kainuman ni Papa si Macoy. Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil baka guni-guni ko lang itong nakikita ko.


Pero hindi ito guni-guni! Totoo ngang kainuman ni Macoy ang papa ko!


"Oh, Pamela, nandyan ka na pala." Bati sa akin ni Papa na halatang lasing na. "Bakit ngayon ka lang?"


Hindi ko siya sinagot. Alangan namang sabihin ko ng naglakad lang ako pauwi dahil ibinili ko ng lunch ni Donald yung dapat ay pamasahe ko.


Sinenyasan ko ng tingin si Macoy. "Ano'ng ginagawa mo rito?" gigil na bulong ko.


Sumulyap si Macoy kay Papa.


"Okay pala 'tong barkada mo, ano?" Sabat ni Papa matapos umakbay kay Macoy. "Ayos pala 'to kainuman. Haba pa ng hair, oh."


Suot kasi ni Macoy ang piluka niya.


Pilit na lang akong napapangiti. "Ah, Papa, lasing na po kayo. 'Lika po, ipasok ko na kayo sa kwarto." Inalalayan ko siya.

Retired PlayboyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu