"Do it, Pamela. Or else, mawawala ang lahat ng pinaghirapan namin." Pagkasabi'y kinuha niya ang palad ko at inilagay doon ang isang pares ng singsing. "Iniwan niya yan kagabi sa sama ng loob niya. Ngayon, ikaw naman ang bumawi sa kanya."


Ako? Ako ang magpo-propose sa lalaking iyon? Matapos niya akong sabunutan? Matapos niya akong pagbuhatan ng kamay?


Napatitig ako sa pares ng singsing. Anong gagawin ko? Kung hindi ko naman gagawin ito ay mawawala ang lahat ng inaasahan ng pamilya ko.


Ipinilig ko ang aking ulo. No way I'm gonna do it. Hindi ko ibababa ang pride ko. Hinding-hindi ako magpo-propose kay Donald. Hinding-hindi ko gagawin!


Hinding-hindi ako magpo-propose! Period!


...


I HAVE TO DO THIS. Kailangang makapag-propose ako kay Donald. Kaya ko ito. Kakayanin ko ito.


Tumaas na naman ang presyon ng dugo ni Mama kaninang umaga. Ayon sa doktor, dahil sa stress. Ayon naman kay Papa, dahil daw sa'kin. Ako rin ang sinisisi ni Ate kaya nasa ospital si Mama ngayon.


Kaya naman napasugod ako rito sa Sandovals' building. Papunta ako ngayon sa office ni Donald.


Bumukas ang elevator kaya lumabas agad ako. Sa dulong pasilyo raw kung saan naroon ang office ng supervisor ng account na hinahanap ko. Humugot muna ako nang malalim na paghinga bago ako naglakad papunta doon. Inihanda ko na rin ang singsing na ilalahad ko sa kanya.


Shit, bakit kailangang danasin ko ito?! Bakit kailangan kong mang-alok ng kasal sa isang lalaki? Para kasing lilitaw na napatawad ko na siya sa pananakit niya sa akin kapag ginawa ko ito.


Kumatok ako at binuksan ko ang pinto. Napatayo siya nang makita niya akong iluwa ng pinto. "You came..."


Napayuko ako. Nag-text kasi ako sa kanya na pupunta ako rito.


Napapikit ako. Bumilang ako sa isip ko. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko. Kaya ko ba 'to? Mahal ko ba talaga siya? Gagawin ko ba talaga 'to?


Hinugot ko na ang singsing sa aking bulsa. Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya. He was just looking at me. Napahalukipkip pa siya habang pinagmamasdan ako.


Hanggang sa lumapat na ang tuhod ko sa sahig. Iniangat ko ang singsing na hawa ko at inilahad sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko kasi matanggap ang sarili ko na ginagawa ko ito ngayon.


Ngumiti siya sa akin habang nakamasid. Bahagya pa siyang napasandal sa kanyang executive table na para bang ine-enjoy niya ang view.


Napalunok ako. Lulunukin ko na rin ang pride ko. "W-will you marry me..." Mariin akong napapikit pagkuwan. Ayokong isipin na nangyayari talaga ito.


"I knew this would happen. Nag-propose ako sa'yo pero anong ginawa mo? Sinayang mo. Now look at you. Ikaw naman ang nakaluhod sa harapan ko!"

Retired PlayboyWhere stories live. Discover now