Someone Who Gave Up

10 0 0
                                    

"Going home now bro?",kausap ni Adrian ang isa sa mga katrabaho niya sa isang Cleaning Company sa Calgary, Canada. Dalawang taon na siyang nagtratrabaho dito.

"Yah bro, I have to go to my other work.",sagot naman ng Canadian na kasama nito.

Napaupo si Adrian sa isang tabi ng primary school na nililinisan nila. Unti unti ng naabot ni Adrian lahat ng mga pangarap niya. Mayroon na siyang dual citizenship at nakapagpatayo na siya ng bahay ng nanay at kapatid niya sa Pilipinas. Pero kahit nasa kanya na lahat hindi parin nabubura sa puso at isip niya si Cessy. Si Cessy, Francess ay ang nag iisang babaeng minahal niya. Pero kinailangan niyamg iwan para makatikim siya at ang pamilya niya ng ginhawa sa buhay. Panganay sa anim na magkakapatid si Adrian at dahil legally adapted siya ng kanyang Tita Lolit, ay mabilis siyang nakapunta sa Canada. Pero hindi niya alam na magkakagulo ng ganun ang buhay niya niya doon.

"Nabayaran mo na ba yung renta ng bahay?",tanong ni Maggie sakanya, si Maggie ay isang Filipina pero Canadian citizen din doon at malapit ang pamilya nina Adrian sakanya. Ikinasal sila mahigit isang taon na ang nakaraan. Nadeny ang application ng tita ni Adrian sa permanency ni Adrian doon kaya naghanap sila ng ibang paraan para makakuha ng permanent residency si Adrian at ang iisang way ay ang pagpapakasal niya sa isang Canadian citizen. Noong wala na siyang choice ay kinailangan niyang iwan si Frances para di masayang ang lahat lahat ng sakripisyo ni Adrian, kinailangan niyang ligawan at pakasalan si Maggie para di siya mapauwi sa Pilipinas.

"Oo. Binayaran ko na kanina.",mahina niyang sagot. 14 years ang agwat nila, malayong mas matanda si Maggie kay Adrian pero kahit papano, sa tagal ng pagsasama nila ay natututunan na niya itong pahalagahan. Marami siyang hinahanap hanap na katangian ni Frances kay Maggie pero wala siyang magagawa kundi lunukin ang buhay na pinasok niya.

Si Adrian Dayle Chavez ay kaklase ni Frances noong sila ay high school. Kapwa sila taga Cagayan pero lumaki at nag aral sa Manila, pero nung kolehyo na sila ay pinag aral si Adrian sa Ilocos para mabantayan siya ng isa pa niyang tiyahin. Minsan naalala ni Adrian ang huling pagkikita nila ni Frances, mahigit isang taon na ang nakaraan, noong libing ng tatay ni Adrian. Marami ang nagsasabing karma daw ni Adrian ang pagkamatay ng tatay niya dahil sa ginawa niya kay Frances. Ni hindi siya nilingon ni Frances kahit magkasalubong sila sa daan. Naiisip niya noon na ganun na lamang ba kabitter si Frances para gawin yun. Pero hindi niya masisisi ang babaeng minahal niya ng lubos at sinaktan din niya ng lubos lubos lalo pa't wala namang nagawang mali si Frances sakanya.

"Hon, kelangan ko lang bumili sa grocery. Kumain ka na. May hinanda ako. Gotta go.",at tuluyang umalis si Maggie.

Napabuntong hininga si Adrian, mahalaga narin para sa kanya si Maggie pero hindi parin maalis sa isip lalo na sa puso niya si Frances. Mabait naman si Maggie pero iba parin si Frances. Madalas niyang alalahanin si Frances lalo na kapag nag iisa siya.

Kumusta na kaya yung babaeng yun? Wala na kaya ang mga suicidal attempts niya? May nagmamahal na kaya ulit sakanya ngayon? God,  i miss her so much! Kumusta na kaya yung buhay niya simula ng wala na ako? Kung maibabalik ko lang ang panahon.

Napatigil si Adrian ng biglang magnotify ang gmail niya. Agad niyang binuksan dahil galing ito sa Canadian Consulate, ito ang nagbibigay ng update kung kumusta na ang application niya sa pagkakaron ng permanent residency sa Canada. Halos manginig si Adrian ng mabasang approved na ito at handa na for pick up ang residential identification card niya. Halos mapaluha si Adrian sa nabasa at ang unang pumasok sa utak niya ay ang nanay niya at si Frances. Tinawagan niya kaagad ang tita Lolit niya para ibalita ang narecieve na email.

"Hello tita, permanent resident na po ako. Nag email na po yung Consulate.",mangiyak ngiyak na sabi niya.

"That's good! I'm truly happy for you! Pwede mo ng tuparin yung mga ibang pangarap mo. If you know what I mean.",hindi maintindihan ni Adrian ang ibig sabihin ng tiyahin niya.

Someone I Knew, Someone I LovedWhere stories live. Discover now