PROLOGUE

19 0 0
                                        

MINA'S POV

May nakilala akong isang guy... hindi ko alam kung bakit ko ba siya kailangang makilala pero... parang nafa-fall na ako sa kaniya and I don't know why! Nung December ko lang naman siya nakilala at nung lagi niya akong sinasamahan sa pagpupuyat.

Schoolmate ko siya and I honestly saying na... mas matanda siya sa akin ng 1 year lang naman. "Age doesn't matter" naman, diba? And besides, mas okay nang mas matanda ang lalaki kesa babae.

Pero... back to the topic na "parang nafa-fall na ako sa kaniya." Ayaw ko pa rin kasing tanggapin 'yon. Dinideny ko pa rin sa sarili ko na gusto ko na siya. Kasi ayaw ko na ulit mag mahal, kaka-move on ko lang sa nag paasa at nanakit sa akin tapos mag mamahal na naman ako? Baka mamaya niyan, masaktan na naman ako dito. Ayaw ko na! Hindi ko na kaya 'yon! Sobra-sobra na ang sakit.

Pero hindi ko naman kayang pigilan ang kung anuman ang nararamdaman ko ngayon kaya.... tinatanggap ko na rin. Pero hindi ko na lang 'to ipagsasabi kahit kanino, kahit sa nga close friends ko, sa best friends ko, family ko, and especially, sa kaniya! Kasi 'pag sinabi ko pa, mas masasaktan ako! Kaya akin lang 'to, mahirap man itago pero kakayanin ko, promise ko 'yan sa sarili ko.

STAY STRONG FEELINGS!

UNREQUITEDHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora