Chapter 2 ~ Sungit ●~●

Mulai dari awal
                                        

Tinitigan niya muna ako bago sumagot. "Sige na nga. Pero teka teka teka."

"Bakit?"

"Totoo ba mga nagliliparang tsismis ateng?"

"Huh? Alin?"

"Iniis-stalk mo daw si fafa Kent!"

"Ayon! Ayon! Siya nga! Yung mayabang na panget na lalaki pero gwapo sana. Kent pala pangalan nun ah!! Humanda siya saki--."

"Gaga! Si Kent nga! Si Kent as in K-E-N-T!."

"Oo best, alam ko spelling ng Kent. Ginagawa mo naman akong tanga eh."

Pinalo niya bigla yung noo niya. "Di ko alam kung pinaglihi ka sa pagong o ano eh. Hay nakers! Kawawa naman bestfriend ko."

"Bakit ba kasi? Ano namang meron dun sa Kent?"

"Hindi lang siya si Kent!!! Gets ba?? KENT SUARREZ PO IYON ATENG! HAYSSSS. JUICE COLORED DI KO NA ALAM GAGAWI--"

"Omg! Yes... oo. Oo. Siya nga! Si... Kent? Eh? Sino ba yon?"

"SI KENT SUARREZ. SA CRAZY LOVE, IT STARTED WITH A KISS, PURE LOVE, PRINCE GORGEOUS. ANO PA GUSTO MO?"

"Ah... prince gorgeous! Parang naririnig ko yun... yun yung sikat na telenobela sa hapon diba?"

"KUNG NASA TELENOBELA SIYA, ANO SIYA?"

"Hmm... tao?"

"ARTISTA! ARTISTA YASMIN! SI KENT SUARREZ NA KAKATRANSFER LANG SA SCHOOL NATIN BINANGGA MO!!!"

"ARISTA?! Artista pala yung mokong na yun? Malay ko ba... di naman ako ganong nakakapanood samin eh. Tsaka tara na nga gutom ko eh."

"Hays... wala talagang pakialam to. Puro academics pinapansin. Ang slow naman. Kung ako yung nakabangga yayapusin ko pa. Hehehe."

Dumiretso kami sa canteen. 15 minutes na lang pala time na. 30minutes lang kasi ang recess namin.

Karamihan nasa labas pa. Malamang nakatambay pa, o kaya naman yung iba nasa ibang section at bumibisita sa friends nila.

Pagkatapos naming kumain bumalik na ko sa room. Bumalik na din si Chris.

.

Napansin ko si Mr. sungit. Magkatabi kasi kami. Napatingin sya sakin nung umupo ako, tsaka binalik nya ulit ang atensyon nya sa binabasa nyang libro. Wala bang balak mamansin ang isang to? Nag hintay ako ng ilang sandali ... Patingin tingin ako sa kanya minsan. Naghahanap lang ako ng pagkakataong makapagsorry. Nalilito rin ako kung bakit nya ako sinigawan kanina. Pero kahit di nya sinasabi, malamang nakaharang ako sa daan. Hindi kasi ito ang first time. Twice na yata nangyari yun dati dahil sa katangahan ko. Di ko kasi napapansin nakaharang pala ko. Nung last na tingin ko, feeling ko na magnet nanaman yung mata ko. May kakaiba kasi sa kanya ... Di ko lang alam kung ano.

.

"Could you please stop?" Sabi nya habang nagbabasa. Di man lang nagabalang lumingon. Ano bang sinasabi nya ?

"Huh, ah a-ano. Wala naman akong ginagawa ah" Sabi ko sabay tingin kunwari sa ibang direction.

Sinara nya bigla yung libro nyang padabog

"Stop starring at me. Could you?" Yan yung sinabi nya tska mabilis na syang umalis.

Ano bang problema non? Nakakainis na ha. Wala naman akong ginagawa eh. Bukod sa nakaharang ako , wala ng iba pa. Ako na nga sana ang magmamagandang loob na magsorry. Grrr! Sungit. Siguro meron yon. Bahala na nga. Di ko nalang papansinin.

"Curt, mukang malalim ang iniisip natin ah" nagulat naman ako. Feeling ko tumalon yung puso ko.

"Ikaw pala." Sabi ko sabay ngiti ^_^

"Hindi. Hindi ako to." haha ! kaya ko sya crush eh . pabiro kasi

"Sabay tayo maglunch mamaya ha?" Sabi nya pa at bumalik na sya sa respective place nya Yeeeeeeheeet. Kinilig ako don ah. May isang milyong butterflies yata sa tyan ko.

Kaya pala kasi nandyan na ang next subject teacher.

Nakita ko ring pabalik na si Mr. Sungit sa tabi ko. Kinabahan ako bigla kaya nahulog yung hawak kong panyo. Syempre tumayo ako para kunin yon.

o.O

.

Pag tayo ko, nagulat ako. Ennnnngk. Bat naman ang lapit ng muka nya?

siguro susungitan nanaman ako nito ●~●

Na shock ako kasi mali yung hula ko.

.

.

.

Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ko palabas ng room.

"Tsk. Change, let's go. Pasalamat ka class hour ulit."

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang