Chapter 2 ~ Sungit ●~●

Start from the beginning
                                        

.

Wala na. Maiiyak na yata ko. Alam ko. Iniisip ng iba jan mababaw ako. Pero nakakalungkot lang kasi, almost 8 years narin kaming magbestfriend ni Chris, simula elementary di pa kami naghihiwalay ng section. Ngayon lang.

.

.

.

.

Five minutes late na ko. Nakakainis, nagemote pa kasi ako eh ●~● First day pa naman. Haaay.Sana naman di ako pagalitan nito. First time kong mapapahiya pag nangyari yon.

.

.

.

Nasa harap na ko ng pintuan. Eto na, kakatok na ko...

Dug, dug, dug, dug, dug ..... Kumatok na ko. Sabay bukas. Kinakabahan ako ! Hoo ! Tahimik lahat at may nakatayong lalaki sa harap. Siya malamang ang adviser.

"Uhm, Ah ah ... G-good morning, sir. Sorry I'm late. May I join this class, p-please ?

"Ms. Lopez," nako nakakainis, binitin pa. Lalo tuloy akong kinabahan. Pero pano nya nalaman surname ko ? Eh ako nalang late eh. Malamang ako lang wala eh -_- Tanga ko talaga.Nagmomonolouge pa ko sa utak ko nang biglang sumingit ulit sya.

"Excuse me, Ms. Lopez. Are you with me?"

"Hahahahaha" Tawanan yan nang classmates ko. Psh. Bwisit talaga! Kung nandito lang si Chris, malamang ipagtatanggol nya ko. Huhuhuhu ●~● Chrisssss....

"Ah, Yes ! Yes sir. "

"Great. So I said you may join us, and take your seat now." Psh. pinahaba pa ! Pero cute din tong adviser namin. Halatang bata pa. siguro nasa mga 20 plus palang yan. Nako siguradong gaganahan nanaman ang malalandi dito.

Ano kayang pangalan ni sir? Di ko pa pala alam. Mamaya nalang. Nilibot ko yung mata ko sa classroom. Pwede namang umupo kahit saan kasi di naman sila ganon kahigpit dito. Pero isa nalang ang vacant seat. Sakto lang kasi ang chairs namin dito. Ang katabi ko sa kanan ay si Yna. Close din kami nyan ^_^

Sa kaliwa naman,

may isang guy na di ko kilala. teka baka sya yung cruz na nasa bulletin board... Pero inexamine ko pa ng mabuti yung mukha niya. Teka ! parang pamilyar yung muka nya! Tama !

.

Siya yung sumigaw sakin kanina ! Hindi ako nagkakamali at malinaw ang mga mata ko.

Di ako mapakali kaya tumingin nalang ako sa harap. May nakasulat sa whiteboard. Sr. Vincent Abellano

So yun pala pangalan nya. Hahaha. Ang gandang ngalan.

"Class, since we're complete, I guess I may now start" Tumingin pa talaga sakin bago magsimula. Para kasi syang nagparinig. Sapul tuloy ako.

Nakakainis lang kas first day na first day lecture agad. Luuuuupet diba? Tsk. Pero ni isa yata sa sinabi nya nung lesson namin wala akong nagets. Di kasi ako nakapag concentrate. Bakit kasi ganon? Feeling ko ang awkward lang kasi katabi ko pa yung si sungit. Ano kaya pangalan nya?

~

RECESS.

Hindi ko na hinintay matapos yung bell , lumabas na agad ako tsaka pumunta sa section b. Nandon si Chris. Di na ko natuloy sa pagpasok sa room nila. Nandun si Chris sa pinto. Parang may kausap sya ...

"Ha? Oo sige. Bye. I miss you too honey." Si jake siguro.

Tumakbo na ko papunta sa kanya

"Chris ! Sabay tayo." Pero yung muka nya di ko gets. Mukang nagaalinlangan pa si bruha. Palibasa katext si boyfie. :3

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Where stories live. Discover now