Really? Paano niya nalaman? Weird. Kahit kailan ay weird si Quiro Saavedra. Buwiset na kulot na iyon, ginulo pa ang utak ko.


Nasapo ko ang aking mukha at napasalampak sa mesa ng wala na si Quiro sa paningin ko.


...


HABOL KO ANG aking paghinga matapos kong mailagay si Dipen sa bathtub. Grabe, ang bigat niya. 


What to expect, Kia? Na kasing gaan siya ng bulak? 


Like, duh! He was a big man kaya natural na mabigat siya. Hindi ko na rin maisip kung paano ko ba siya nabuhat papunta dito sa bathroom.


Actually, kinabahan ako kanina. Akala ko kasi talaga ay nangangamoy na ang bangkay niya. Buti na lang pala ay dahil hindi ko lang kasi siya nalilinis. Sa tingin ko lang ay obligasyon ko siya at hindi ko siya pwedeng pabayaan na mamaho na lang dito sa condo ko.


Gamit ang sabon ay pinunasan ko ang katawan niya. Gumamit din ako ng towel dahil hindi ko yata kaya na maka-skin to skin siya.


Naisip ko rin na 'di ba ang mga patay ay kailangang alisan ng dugo para hindi mamaho? Siguro magre-research ako sa Internet kung paano iyon gagawin. Pero kakayanin ko ba? Duh, keri ko bang mag-embalsamo?


Ah, saka ko na iisipin. Mukha namang okay pa rin si Dipen. Nakapagtataka at nakagugulat pero okay pa talaga siya. Siguro sa ngayon, linis-linis na lang muna ang gagawin ko sa kanya.


Inalis ko na sa aking katawan ang hiya, pag-aalinlangan, at pag-aalala. Kargo ko na si Dipen ngayon kaya kailangang maging responsable ako sa katawan niya. Kailangan malinis ko siya at mapanatiling fresh at mabango.


Hindi na ako nagpatumpik-tumpik, pati boxers niya ay hinubo ko na rin. Kailangan kong masiguro na talagang malinis siya kaya pikit-mata kong nilinis pati ang maselang parte ng katawan niya. Gumamit din ako ng towel para doon. I think I'm gonna shave it later para clean cut siya.


Hindi ko na rin matandaan kung paano ko siya nailipat sa sofa matapos paliguan. Basta pakiramdam ko ay malalaglag ang matris ko sa sobrang bigat niya nang hilahin ko siya. Mabuti na lang talaga at umorder ako ng wheelchair online kaya medyo bawas ang aking trabaho.


Matapos punasan ng tuwalya ay nilagyan ko siya ng deodorant at pinabanguhan. Pinulbusan ko siya at sinuklayan ng buhok na para bang may buhay. Pinagmasdan ko siya habang nakasandal siya sa kinauupuan.


Bakit ganito? Bakit habang tumatagal na nakakasama ko sya ay para bang palalalim nang palalim ang nararamdaman kong panghihinayang? 


...


"BITCH, we need to talk," bungad sa akin ni Zantha nang sagutin ko ang tawag niya sa aking cellphone. "Where are you?"


"Mall. Pero pauwi na rin ako. Nasaan ka ba?"


SavagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon