Napayuko ako.


"Alam ba ng Amag na yan kung sino ang mapapangasawa mo, huh? Kung hindi, pakisabi sa kanya na Supervisor si Donald sa Sandoval's para malaman niya ang lugar niya. At tatakbong senador ang tatay ni Donald next election!"


Hindi ako kumibo. Kung alam lang nila kung sino si Amag ay siguradong babawiin nila ang mga nasasabi nila dito.


"Pamela." Lumapit si Donald sa akin. Kalmado na ang kanyang boses. "Is it true?"


Humarap ako pero hindi ako makatingin sa kanya.


"Barkada mo lang si Amag? Na ikakasal na rin siya?"


Tumango ako. "Wala kang dapat ipangamba sa kanya. He's getting married soon."


Lumapit pa siya sa akin at marahang niyakap ako. "I'm sorry. I should've trusted you."


Lihim na kumuyom ang mga palad ko nang makulong na ako sa yakap ni Donald. Nang mapapikit ako ay bigla ko na namang naalala kung paano niya ako sinaktan. Kung paano niya ako sinabunutan at kung paano niya ako sinampal.


Napangiti naman sina Mama at Ate Nita habang nakamasid sa amin.


Mabilis akong kumalas kay Donald at lumayo.


"Pamela? Honey?" Pagtataka niya.


"Pwede bang bukas na lang tayo mag-usap?"


"No." Bigla siyang humugot ng singsing mula sa kanyang bulsa. Lumuhod siya sa harapan ko at inilahad sa akin ang singsing ng hinugot niya. "I need your answer tonight."


Napatigagal ako sa ginawa niya.


Bumalatay ang tuwa sa mukha nila Papa at Mama. Si Ate ay tila ba maiiyak na rin sa tuwa.


"Will you marry me, Pamela Beltran?" Lumalam ang kanyang mga mata. "Please..."


Hindi ko namalayan na umaatras na pala ang aking mga paa.


Bakit ganito ang pakiramdam ko? Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya ngunit bakit hindi ako makasagot sa proposal niya?


Hindi na maipinta ang mukha ni ate. Nakikita niya sa mga mata ko ang pag-aalinlangan.


"Pamela, honey, please marry me..." May pagsamo at lambing ang boses ni Donald.


Samantalang ako ay gusto ng tumakbo palayo.


Wala sa sariling kumilos ang mga binti ko. Nanakbo ako papasok sa aking kwarto. Sumalampak ako sa kama at saka napahagulhol.


Nag-e-echo sa tainga ko ang pagtawag sa akin ng aking pamilya, pero wala akong pakialam. Gulong-gulo ako.

Retired PlayboyWhere stories live. Discover now