"Psh, porket anak mayaman."

"Hala? Mas mayaman nga ikaw eh. Di ko kaya yang pagka-good boy mo."

"Di ako pwede. Maraming makakakita."

"Man! Wala ka bang tiwala? Exclusive bar 'yun. Ikaw na bahala sa guard. I'll get my car."

After a minute a car stopped infront of me.

"Hop in."
-_-^_-_-^_-_-^_-_-^_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
Giles Bar

"Isang shot ng kahit anong halimaw na hinayupak na alak na kahit sino man gumawa." Request ni Jake. Nakaupo kami sa stools sa counter. "Ikaw pare?"

"I'm good. Water na lang."

"Nag-bar ka pa. Haha tsk." He whispered something.

"What?"

"Wala men. Enjoy ka lang dito. Ano palang nangyari sayo?" Tanong niya

"Dad has been--"

"Tsk! Langya, sabi ko na eh. Tara pabugbog ba natin si tito!!" Inirapan ko lang siya at humarap sa ibang tao.

"Joke lang, 'to talagang boyfriend ko moodswings nanaman. Ako dapat yun eh, wala ka naman kasi." I glared at him.

"Shut up."

"Sabi ko nga..." I continued my rant.

We've been staying here for hours. Nakwento ko na lahat.

"Kent," first time siyang nagseryoso. "Look for a pretend girlfriend."

"What?"

"Yun lang ang nakikita ko. Di mo ba 'yun naiisip? May chance na iurong nila yung deal when they find out na may girlfriend ka na. Gets?"

"I doubt that. Hindi ganon kadali yan especially pag si Dad ang pinaguusapan."

"I know, but why don't you give it a try? Sa dami ng nagkakandarapa sayo it must be so easy for you to find."

"Not interested." I stood up and left.

***

I went back to the campus. I'm not planning to attend the rest of my class, siguro magiisip muna 'ko. It's final. He's gonna meet them soon.

God damn life!

*BOOOOOOOOOOOOOGSHHH!*

When I glanced back, I saw the person who bumped me. I frowned at her.

***

Yasmin's POV

"... alam naman namin na magaling ka. But sad to tell you, you failed PEHM. I'm really sorry Ms. Lopez, pero wala ng scholarship."

"Huh? Bakit naman po? Ah, ano... baka po pwede kong gawan ng paraan. Gagalingan ko na lang po next term!"

"Unfair but... sorry, I can't do anything about it. Hindi ako ang nagdedecide. Kung ako lang ang masusunod, I'll surely let you have the scholarship... but that's not possible. Have a nice day." Tumayo na ang din at umalis na ko sa office niya.

Feeling ko naiiyak na ko. Ghaaaad, ano bang meron sa araw na 'to? Aish ang malas naman oh! Pano na si Mama? Ghaaa! Magagalit yun for sure.

Lakad... lakad...lakad...

*BOOOOOOOGSH*

Pagtingin ko... hala! May guy na... ano! Nabangga? Teka sinong nakabangga? Lagot, wait, bakit ang daming tao agad?

"Miss whoever you are, mind you, hands off my chest so I can move." Binulong niya lang 'yon pero halatang naiinis na talaga siya. Pero? Wait anong sabi? Di ko ma-process kung anong sinabi niton gwapong nilalang sa harap ko.

"H-ha?" May naririnig na kong bulungan. Feeling ko... dumadami na din lalo yung nakapalibot samin. Kahiya, pero okay lang gwapo naman...

...kaya nga! Ang epal ni ate huh. Kung makahawak naman kay dadi Kent, kala mo close sila! Pweh! Chancing pa talaga sa dibdib ... huhu kawawa naman si Daddy.

Hay nako, agaw eksena lang yan! Kilala ko yan eh, yan yung die hard fan! Yan yata yung sumunod kay dadi Kent sa starbucks at tumabi pa talaga! Yucks... buti pa ko kahit maganda demure lang.

Maganda ka jan? Bungi ka nga eh.

Hala? Anong ginawa ko sa kanila? Tsaka sino ba 'tong kaharap ko? Ang gwapo pa naman dami na palang anak -_-

"Excuse me?" Binulong niya lang ulit.

"Po? Ay, I mean, Ha?" Lalong kumunot noo niya.

"Psh," this time parang sobrang lakas naman yata. "Miss, sabi ko naman sayo eh, di mo na ko kailangang sundan, ako na mismo magdadala ng autograph mo sa classroom niyo."

"Ha? Anong autograph?! Ano ka sikat? Di nga kita kilala eh!" Ang yabang naman nun, di ko siya kilala eh, hmp! Sayang gwapo pa naman, yabang naman.

Hala ka, si ate pakipot pa! Gusto pa yata susuyuin siya ni Kent ko. Kapal face huh?

Kaya nga eh! Maeksena talaga.

May mga nagbubulungan nanaman.

"Ha-ha? Ah okay. Kung ayaw mo, I can just ask my manager to give it to you then. Can you let go of my arms now?"

Pagkatingin ko... lecheflan! Ayy yucks, I mean, yes, ay ano, ibigkong sabihin, ewan. Kanina pa pala ko nakahawak sa kanya My goodness, ang cheap ko, eiw eiw. Napapagbintangan tuloy akong fangirl ng kung sinong 'to,

"Tch. Noob." Bago pa ko makasagot tumayo na siya at naglakad palayo, both hands in his pockets. Kasabay non, natumba rin ako, then I realized naka-support pala siya sakin kanina kaya di ako natutumba. Tsaka, sinabihan niya pa pala ako ng noob.

Ng... what? Sinabihan niya ko ng noob?! Walang hiya! Ang talino ko kaya!

"Hoy! Mayabang na lalaki! Anong noob? Baka ikaw 'yon!" Sinigaw ko kahit alam kong malayo na siya. Feeling ko nga di niya narinig pero yung mga chismosang fans club niya yata ang nakarinig. Inirapan pa ko.

Nag alisan na sila isa isa, yung iba naman tinignan pa ko na masama bago umalis. Nakasalampak parin ako sa sahig. Bigla ko lang naalala, may problema nga pala ko. Oh my, yung scholarship ko pano na? Aishhh.

Tatayo na sana ko ng... awwww. May sugat pala, grabe naman, parang napa salampak lang ako may sugat agad? Ang weak ko na masyado, haysss. Such a day ...

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Where stories live. Discover now