031

812 39 7
                                    

PATAKBO ako ngayon papunta sa hospital. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit pero libo libong seokmin ang nasa puso ko.  Pero oo nasa puso ko sya pero tangina parin.

Nag chat sakin si Mingyu na gising na daw si Seokmin at tinetest pa.  Milagro daw ang nangyari dahil bihira nalang talaga ang mga ganitong bagay. Isang linggo syang naka coma but still nakagising na sya ngayon kaya kailangan ko na syang makita. 

***

Pagpasok ko sa room ni Seokmin ay agad kong nakita syang nakaupo at nakakunot ang noo.  Lahat ng members nandito. 

Napangiti ako dahil sa wakas.  Gising na ang mahal ko. 

Kumpleto na kami uli. 

"Oh hyung buti andito ka na" sabi ni Dino ng may ngiti sa labi.  I dont know why but tinignan ko isa isa ang nga mukha nila.  Nakangiti naman sila but they still look so sad. 

Umupo ako sa tabi ni Seokmin at hinaplos ang mukha nya.  Lord knows how much I missed this kid. Yung nga struggle ng life ko nung wala sya.  Yung mga times na kailanga ko ang comfort nya.  Nung mga panahong narealize ko na ang tanga ko. Narealize na mahal ko na sya talaga. 

Ang daming pinag daanan ng buhay ko but still mahal ko parin si Seokmin.  Hinding hindi magbabago yun dahil alam ng lahat na hindi ko sya kayang mawala.  Like what I've said,  nung pumunta ang mama ni Seokmin dito ay pinatatanggal na ang mga aparato sakanya pero ako?  kami?  pinaglaban namin. Hindi talaga ako makapaniwala na gising na sya ngayon.  Na kaharap ko na sya ngayon. 

"Ayaw magsalita ni Seokmin,  kanina pa namin sya kinakausap" sabi ni Jeonghan. 

"Seoks,  magsalita ka na.  Andito na kami oh kumpleto na kami"

"…"

"Seoks, nakikilala mo ba kami?" tanong ni Soonyoung habang winawagay way ang kamag sa harap ng mukha ni Seokmin.  Simpleng inalis ito ni Seokmin at nanatiling tinititigan kami. 

" Ano bang sabi ng Doctor?" tanong ko.  Nilingon naman ako ni Seungcheol ng may seryosong mukha. 

"Sabi daw na gising na sya.  Walang physically awake mentally asleep walang ganon. Gising na gising na sya at hindi pa alam kung nakakakilala ba sya.  Nakakakita naman sya at wala naman daw mali sa mga senses nya kaya for sure naiintindihan nya tayo.  Ang kaso lang eh hindi natin alam kung nakiki—"

"S-si…" napatingin kaming lahat kay Seokmin ng bigla syang magsalita.  Mukhang nahihirapan sya at napahawak sya sa kanyang ulo.

"S…sino kayo? Nasan ako?"

calls • seoksooWhere stories live. Discover now