She's awake

31 4 0
                                    

' Feelings Fade, People change.'

Dwaynes POV

"Icy gumising ka naman na oh. Alam mo ang dami mo ng namiss na lessons. By the way.  Aalis pala ako.  Pupunta ako sa states.  May mga bagay ako na kailangan kong ayusin. Kaya dapat pagbalik ko gising ka na." Mahaba kong sabi sa kaniya.

"Kahit na anong sabihin mo,hindi pa rin magbabago yung katotohanang ex ka na lang niya so don' t act like her boyfriend." Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Yeah. I know." Sagot ko dito.

"Mabuti na yung nagkakaliwanagan. At---"

Hindi na niya naituloy ang balak niyang sabihin ng biglang tumunog yung monitor. Pag tingin ko dun ay nagulat ako ng unti unti itong nagflaflat line.

"Syjer, call the doctor imediately!" Utos ko dito at dali daling lumapit kay Icy.

Agad namang nagsidatingan at pilit nilang nirerevive si Icy. Sa kalagitnaan ng pagrerevive sa kaniya ay may tumawag sa akin. Sinagot ko naman ito.

"Hello?" -me

'hello Dwayne, it's me, James. Di ba ngayon yung flight mo?'  Oh si James pala.

"Oo. Bakit?" Tanong ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganito na ulit kami makitungo sa isa't isa matapos yung sagutan namin, well nagkaayos na kami.

It's been 1 month since that incident so it means, 1 month na ding in coma si Icy.

Nabalik naman ako sa reyalidad ng biglang sumigaw sa kabilang linya si James.

"Ano ba James, bakit ka ba sumisigaw?!" Galit na tanong ko dito.

'Paano kanina pa ako salita ng salita dito. Kesyo malapit na ang flight mo eh kasi nga mamayang 4:00 na iyon. Kaya pinaaalalahanan kita na magready na kasi malapit na mag 4!' Mahabang litanya niya.

Oo nga yung flight! Pinatay ko naman agad ang tawag at sa huling pagkakataaon, muli kong sinulyapan si Icy.

"Sorry Icy, pero kailangan ko ng umalis." Bulong ko at umalis na.

After 2 months

Nagising ako dahil sa ingay.

"All of the passenger of the plane 134 OLS please settle down. This plane will going to land at exact 7: 30 in the morning."

"I repeat. All of the passenger of the plane 134 OLS please settle down. This plane will going to land at exact 7: 30 in the morning."

Dinig kong announce ng isa sa flight attendant. Tinignan ko ang wrist watch ko. It's already 7:00. It means thirthy minutes pa.

Sumilip ako sa bintana ng eroplano.

I'm back Philippines. Sana gising na din siya. Siguro sapat na ang dalawang buwan na pagkawala ko.

After 30 minutes...

'Welcome to NAIA Philippines, Sir.  Would you like me to accompany you?' Tanong ng isang stewardess

"No, you don't have to accompany me. I already call my driver to pick me up here." Mahabang litanya ko.

"Okay. Escuse me Mr." Sabi niya.

Tinanguan ko lang ito. Chinieck ko ang phone ko kung may tumawag ba o nagtext. And surprisingly, Syjer is calling.

Sinagot ko naman ito.

"Hello? Syjer bakit ka tumawag?" Bungad ko dito.

"Ahm pinapatanong lang ni James kung kalian ka uuwi." Sagot nito.

Si James?  Among meron?

"Bakit anong meron?" Tanong ko ulit.

"Actually we have good and bad news. Pero, tsaka na namin sasabihin ang mga iyon pag nakauwi ka na----

I cut her off.

"I'm already here at the Philippines.  So tell me now the good and bad news. " sabi ko.

Bumuntong-hininga naman siya bago niya sinagot ang sinasabi ko na siyang dahilan kung bakit biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko.





"She's awake"

___________________________________________

A/N: lameeeeee!!!  Haha.  Sorry late update at lame ang chapter na ito. Wala kasing pumapasok sa isip ko eh.

By the way, sorry sa mga wrong grammars and spellings.  Hindi po ako perpektong manunulat.

Please VOTE, COMMENT, AND, SHARE.  Thank you.

[e n e m y r o s e]

Secretly Engage To Mister Arrogant (On Going)Where stories live. Discover now