The Past

55 6 1
                                    


"Sabi nila ang ahas nasa gubat, bat nandito ka?"

Icy's Pov

Tsk. Siya pa may ganang magwalk out. Pumunta na lang ako ng rooftop at doon na tumambay.

Ang totoo niyan may PAST talaga kami ni Dwayne.
Pero niloko niya ako. Hindi naman totoo na hindi ko siya sineryoso. Sinabi ko lang iyon dahil ayaw kong masabihan na hanggang ngayon ay affected parin ako kahit totoo naman.

"Bes bakit ba ang bitter mo pagdating kay Dwayne?" Tanong ni Syjer.

Yeah hindi niya alam na meron kaming past ni Dwayne pero panahon na yata para malaman niya.

Huminga ako ng malalim sinabi sa kaniya ang dapat niyang malaman.

"Me and Dwayne are EX LOVERS." I said borringly

"Ah Ex lovers lang naman----OH MY GOOOOODDDD!!! SERIOUSLY?! MAY 'PAST' KAYO NI DWAYNE?" -syjer

Tinanguan ko lang siya

"Tell me your love story-- Oh I mean EX LOVE STORY." She said.

Wala na akong nagawa at kinuwento na nga sa kaniya.

Flashback:

Nandito ako ngayon sa may bahay  ni Dwayne. Boyfriend ko siya pero don't get me wrong, wala kaming ginagawang masama.

"Baby, aalis ako hintayin mo ako ah. Pupunta kasi ako ng party ng kaibigan ko." Paalam niya.

"Sige, mag shower ka na." Sabi ko sa kaniya.

Pumunta naman siya. Habang naliligo siya ay nagring ang phone niya.

Nabigla ako kasi ang nakasulat sa caller I.D ay MAHAL KO.

Sinagot ko ito at maslalo akong nagulat ng ang sumagot ay ang bestfriend ko na si Laurence.

"Hello mahal, nakabihis ka na ba? Bilisan mo ha? Kita na lang tayo sa park ha? Love you very much and nakapagpaalam ka na ba sa girlfriend mo? Kung hindi pa bilisan mo. Hintayin kita dito sa forbiden park ha? Baka makalimutan mo eh" Sabi niya. So niloloko nila ako.

Ibinalik ko ang cellphone niya pagkapatay ng tawag. Sakto na mang lumabas si Dwayne. Umakto na lang ako na para bang walang nalaman.

Pagkaalis niya ay nagpakulo agad ako ng tubig. Nagluto din ako ng paborito niyang  menudo pero hindi ko hinaluan ng pagmamahal dahil lahat ng galit ko ibinuhos ko dito.

Naglagay ako ng madaming asin ng madaming paminta at nilagay ko lahat ng chili powder. Magsisisi ka na niloko mo ako. Pagkakulo ng tubig ay kinuha ko lahat ng sapatos niya at binuhusan ko ng mainit na tubig.

Kinuha ko naman ang kitchen knife at pinagsisira ko ang sofa niya at ang mga bed niya. Pagkatapos kong gawin iyon ay kinuha ko ang phone niya dahil hindi niya ito kinuha kanina. Tinanggal ko ang battery nito pati na ang sim card at ang memory card nito ay pumunta sa may bowl at iflinush ito.

kinuha ko din ang mga damit niya, as in lahat at pumunta sa bakuran nila at doon sinunog ang kaniyang mga damit.

Bumalik ako sa kusina at nilagay ang note na sinulat ko kanina.

Naglagay na din ako ng isang baso at pitsel. Tinapon ko ang laman nito at nilagyan ng suka tsaka ko inilagay sa ref.

Pagkatapos non ay kinuha ko na ang walet at cellphone ko at pumunta na nga ng forbiden park.

Pagkadating ko doon ay agad  ko silang nakita pero hindi nila ako nakita dahil busy sila sa paglalandian. May nadaanan akong nagtitinda ng ice cream kaya bumili ako ng dalawa.

Lumapit ako sa kanila at nagsalita.

"Ang  sweet niyo naman masyado. Eto oh ice cream, binilhan ko na kayo. Kainin niyo na lang muna bago kayo maglandian." Sabi ko na ikinabigla naman nila dahil itinapon ko sa muka nila yung ice cream.

"Sana sinabi niyo na lang na magde date kayo eh di sana pinalaya ko na kayo." Sabi ko at tuluyan ng umalis. Naramdaman ko na may humawak sa braso ko at pinaharap niya ako.

Pagkaharap ko ay agad ko namang sinampal si Dwayne.
"No need to explain. Siya nga pala. Yung paborito mong menudo niluto ko sana magustuhan mo ha? Wag kang magalala, walang lason yon. Nakita ko lang din kayo dito kaya nagalit ako."
Sabi ko kahit ang totoo ay hindi. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ng may naalala ako.

"By the way, your free now." Sabi ko at naglakad na paalis.

And that was the day that Infinity Claire Yssable was died

End of flashback

"Infinity Claire Yssable was died?" She asked.

"Yeah, and Infinity Claire Yssable, the Goddess, Fearless and fierce was born. Tada~ " i said.

"And the manhater bitch." She added. I almost laugh because of what she said.

"True. So Dwayne and Laurence, get ready for my REVENGE." I said then we both laugh.

Secretly Engage To Mister Arrogant (On Going)Where stories live. Discover now