Chapter 18. [My turn]

Magsimula sa umpisa
                                    

O_____________O

"Yung bag ko!" kukunin ko na sana yung bag ko kaso bigla akong hinila nung isang gangster sa kwelyo ng uniform ko.

"Ikaw ba si Hannah Lee?"

"Oo. Bakit ba? At bitawan mo nga ako--"

"Ano ka niya?"

Natahimik ako sa tanong niya. Pinalibutan na rin kami nung 3 pang gangster.

"Bakit mo tinatanong?"

"Tangna, sumagot ka na lang!" sigaw nung isa.

Hindi ko pwede sabihin na asawa niya ako. Ewan, iba kutob ko sa mga lalaking 'to.

I raised up my chin and said. "Girlfriend niya ako."

Nagtinginan yung mga lalaki. Pagkatapos tumingin ulit sakin yung may hawak ng kwelyo ko.

"Mukhang di pa naman kayo nagbbreak. Okay miss. Sabihan mo yang Dylan mo na MAGHANDA NA SIYA." sabay bitaw sa akin. Pumunta na sila sa kani-kanilang motor at lumayo na.

Natulala ako ng ilang minuto bago ako kaagad nakapag-function. Hala, yung bag ko at gamit ko!

Kaso nagulat ako ng may mag-abot na nito. Isang lalaking mukhang kasing-edad ko lang.

Tinignan ko yung book bag ko. Nandun na mga gamit ko.

Napatingin ako dun sa lalaki. "Thank you."

"Wala yun." at ngumiti siya sakin.

Ngayon ko lang siya napansin. Mukha siyang singkit na chinoy. At maputi pa. Ang cute niya.

"Miss? Taga-DCU ka diba?"

"Ha? Oo. Ikaw?" at nasagot yung tanong ko ng nakita ko yung uniform niya.

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon