Wooow! Impress na impress na talaga ako sa driver na to. Akalain mo? Daig pako sa pag english english. Pero parang walang galang naman yata ng driverng to at saka forgot? Bakit nagkita na ba tayo manong ha? Kakapunta ko pa ngalang dito. Isasagot ko na sana pero diko nalang tinuloy.

Pero ipinag-sa walang tabi ko nalang dahil kailangan kong magmadali dahil parang uulan na talaga.

"Okay."

Binilisan ko nalang ang paglalakad ko kahit mabigat ang mga dala dala ko. Agad ko namang nakita ang waiting area at hinanap ang driver ko.

"Hello? Asan ka po manong? Nandito na po ako sa ... "

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may biglang humablot sa maleta ko.

"You're too slow lady, faster."

Napalingon ako sa nagsalita at kumuha sa bagahe ko at laking gulat ko ng si Sebastian ito! O to the M to the G, OMG! WTH! Nakakahiyaa! Hindi ako nakapagsalita at parang umurong ang dila ko.

"Manong huh?" Dagdag pa nito.

Hindi talaga ako nakasagot. Nakakahiyaaaaa! Hindi ko naman ina asahan na siya ang susundo sakin ngayon at siya ang pinakahuling taong naisip ko! At tinawag ko pa siyang 'manong'! Lupa kainin mo na akoooooooo

Tahimik nalang akong sumunod sa kanya at hindi ko alam kong anong sasabihin ko -,-! Tanga mo talaga Maria. Bahala na!

Nakarating naman kami kaagad sa parking lot at agad niyang ipinasok ang maleta ko sa back compartment nang kotse niya.

Akala ko may kukunin pa siya o ano pero pinagbuksan pala ako ng pinto.

Wews! Hindi ko naman alam na may pagka gentleman pala ang devil angel na to. Pero sabagay never pa kaming nakasakay sa iisang sasakyan
,ngayon lang. At ngayon hindi ko ma imagine kung anong mangyayari, the fact na hindi kami magkasundo o feel ko lang yun' dahil hindi naman siya naging 'friendly' sa akin.

Pag pasok ko pa lang ay ang awkward na ng atmosphere -.-! Parang mas lalong lumiit ang kotse niya. Woooosh! Hindi naman siya nagsasalita, alangan namang makipag usap ako sa kanya e sa hindi naman kami 'friend' at saka nahihiya parin ako sa kanya. Huhu e sa boss ko parin siya at tinawag ko pa siyang 'manong'. Ah! Alam ko na mag sosorry nalang ako sa kanya. Yun! Yun nga!

"Ah s-sir, hehe sorry po pala't natawag ko kayong manong kanina. Hindi ko naman po ine-expect na kayo po ang 'sundo' na sinabi ng mommy niyo kaya s-sorry po talaga!" Arghh

"Whatever. If it's not just for mom, as if I'll be here." Malamig na sagot nito.

Kung hindi ko talaga to boss kanina ko pa to binatukan. Tsk, nanghingi na nga ko nang sorry ang sama pa rin ng ugali! Bakit ba siya pumayag na sunduin ako kung ayaw niya naman hmp!

"What did you say?"

Ay! Naisatinig ko ba yun? Tsk bahala siya!

"Wala po sir, ang sabi ko 'Edi salamat dahil sinundo niyo ko'." Puno ng sarkasismong sagot ko.

"Tsk. Don't use that tone to me lady or you'll be travelling alone." Bantang sagot naman nito.

"Teka nga, tinatakot niyo ba ako sir?" Nawawalan na talaga ako ng pasensya sa lalaking to. Parang nawalang bigla yung hiya ko at naisip ko rin na bagay n bagay siyang tawaging manong!

"I didn't say that, you did."

Sasagot na sana ako ng biglang bumagsak ang ulan at ang lakas pa! Sabi na nga, ang itim ng kalangitan kanina pa!

Ilang oras ba kami mag tratravel nito? Ayaw ko nang magtanong sa damuhong to. Alam ko nsng kasunod. Away na naman. Ewan ko ba, kahit minsan nga lang kaming mag-usap palagi nalang kaming na uuwi sa pagtatalo. At diko alam kung bakit ang init ng dugo nang damuhong to sa akin. Wala naman akong ma-alalang kasalanang nagawa ko sa kanya maliban nalang yung unang pagkikita namin. Pero siya namang may kasalanan non' no! Tsk.

Strange MagicWhere stories live. Discover now