Kabanata 4

3 1 0
                                    

Maria





Excited na ako bukas!

Bukas na kami pupunta sa Hacienda Falcon sa Occidental. First time ko pang makakalabas ng Manila haha grabe!

Pumipili na ko ng isusuot ko don', mga isang buwan din kami kaya dadamihan ko na.

At dahil alam kong maraming mga resorts don' gaya ng sabi ni Tita Ysa ay magdadala din ako ng mga swimsuits! Sa wakas ay magagamit ko na rin ang mga pinamili kong mga swimsuits na mukhang bagong bago pa dahil hindi ko naman palaging ginagamit. May ilang pa ngang hindi. Nakakapagsuot naman ako ng mga ganito dahil meron namang pool sa baba ng building, bali isa na sa freebies kong bibili ka nang unit sa condominium na ito kaya sulit narin. Lalo pa't once in a blue moon lang ako makapagbakasyon dahil busy naman ako sa trabaho. Yung last nga na nakapagbakasyon ako ay yung Christmas party ng FI. At take note May na ngayon at yun ang last at dalawang araw lang! Diko nga alam kong matatawag pa yung bakasyon xD!

Pero kahit dalawang araw lang yun na-enjoy ko naman kahit pa paano. At ngayong makakapagbakasyon na talaga ako, susulitin ko na ito to the highest level dahil hindi ko alam kong kailan pa ito mau-ulit!

Chineck ko na ang mga gamit ko dahil malalim na ang gabi at maaga raw pa akong babyahi bukas. Oo ako lang dahil nauna na si Tita sakin noong isang araw lang dahil may importanteng gathering daw doon at kailangang nandon' siya at hindi pa ako makakasama noong umalis siya dahil may inaasikaso pa din ako non' kaya nauna na siya. Ayaw ko pa nga sanang mag isang magbyahe dahil malayo layo rin yun kaya sinabi ko nalang kay Tito na sasama nalang ako sa kanya pero sabi naman niya na baka matagalan pa siya at kinulit naman ako ni Tita na mauna na kay Tito dahil marami pa raw kaming pupuntahan doon kaya wala nakong choice. Pero keri na rin susunduin naman ako sa airport e.

Mukhang kompleto na naman ang mga dadalhin ko para bukas kaya matutulog na din ako.

Humiga nako't nakatulogan ko nang pag-iisip kong anong mga maaring mangyari sakin doon.

**

'We are almost at Sibulan Airport, please fasten your seatbelts because we are about to take off'

Nakagisingan ko ang pagsasalita ng steward na malapit na kami kaya na excite ako't agad agad kong nilagay ang seatbelt ko. Excited na ako!

Hindi ko alam kong sinong susundo sakin ngayon dahil sabi naman ni Tita na maghihintay lang yung magsusundo sakin sa airport pero dahil sa katangahan ko'y hindi ko na natanong kung sino. Baka driver nila diba? Pero pano ko naman malalaman ang pagmumukha non'? Tsk! Tatawagan ko nalang si Tita sana may signal lang dito. Di ko pa naman kabisado ang lugar dito, baka mawala pa ako!

Pagbaba ko ay in on ko agad ang phone ko. Napansin ko ring makulimlim ang kalangitan ngayon at parang ilang sandali nalang ay uulan na. Nakuuu pano nato!

'Where are you?'

'I'm already waiting.'

'Hey'

Sunod sunod na may na receive akong mga messages sa estrangherong number. Wow! English english pa ha!

Baka ito na yung sinabi ni Tita na magsusundo sakin. Pano ko naman malalaman kung sino to!

Tatawagan ko na sana ng nauna na itong tumawag kaya sinagot ko agad.

"Finally! You've answered. I've been waiting here for decades!" Parang nahihimasmasang pagsisimula ng nasa kabilang linya. Wow ha?!

"Ah, hello po manong san po kayo? Nakababa na po ako."

Magalang kong sagot. Pero in fairness ha? English speaking ang driver nila. At nagjo joke pa, decades? Haha!

"Manong? What the ... You've already forgot me huh? Tsk. Whatever. Lady you better move faster, I think it'll rain and we still need to travel for hours. I'm here at the waiting area. Faster."

Strange MagicWhere stories live. Discover now