Someone Who Waited

22 0 0
                                    

"Hello ate?", maagang tumawag ang kapatid ni Frances na nasa Ilocos, dali dali naman niya itong sinagot dahil sa pag iisip niyang emergency ang rason kung bakit siya tumatawag.

"Naalala mo ba yung offer sayo nun ng kuya mo?", nakatatandang kapatid ni Frances si Eriz, may asawa na ito at may dalawang anak.

Nahimasmasan si Frances sa narinig, di agad pumasok sa utak niya ang sinasabi ng kapatid niya. Bumangon siya sa kama at tumingin sa bintana kung maliwanag na. Alas singko na ng umaga, kahit ayaw pa sana niyang bumangon ay kailangan dahil may pasok siya. Junior high school teacher si Frances, Francess Arianne Pablo, 24 years old na siya at wala pang asawa.

"Anong offer ate?", tanong niya habang inaabot ang eyeglasses niya.

"Yung tungkol sa taga Hawaii na naghahanap ng asawa.", nagising sa ulirat si Frances at marami na naman siyang naiisip na possibilities. Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil maraming tanong ang bumabagabag sakanya.

"Hala paano kung pangit? Paano kung lasingero? Paano kung nananakit siya ng babae? Paano kung di niya ako magustuhan? Paano kung sabihin niyang ayaw niya sa mataba? Paano kung kunin niya ako kaagad sa Hawaii?"

Pagkaraan ng ilang segundo ay sumagot siya.

"Hala, joke ko lang dati yan ate! Naku naman.", napakunot noo siya sa nangyayari.

"Subukan mo lang, nagfriend request na siya kanina, kausap lang namin. Accept mo nalang, pag isipan mo. Sige na, di ako naka-unli.", bago pa man makapag salita si Frances ay namatay na ang tawag.

Napahiga si Frances sa kama niya at nag-isip. Naalala niya ang sinabi ng ate niya, sakto namang kumatok si Aicie, pamangkin niya sa kanyang pintuan. Agad siyang bumangon at pinapasok si Aicie.

"Pahiram naman ako ng charger.", unang sabi nito.

"Kunin mo nalang dyan.",sabi nito at saka nagsimulang iayos ang higaan niya.

Si Aicie ay isang Grade 9 student sa high school na pinagtuturuan ni Frances. Panganay siyang anak ng babaeng kapatid niya. Close na close sila.

"Paonline narin ako.", sabay kuha sa cellphone niya. Di nalang siya nagsalita at ipinagpatuloy nalang niya ang pagliligpit ng gamit niya.

"Ate, may friend request ka.", agad na bumalikwas sa higaan si Frances at tinignan ito, naisip niya kaagad yung sinasabi ng ate niya na yung Hawaiiano yung friend request na yun.

"Patingnan nga ako", inagaw niya ang cellphone kay Aicie at nakita ang friend request.

"Wow! Ang macho naman nyan, para naman wrestler pero para namang Prini.", napatigil si Frances sa pag scroll at tumingin kay Aicie.

"Ano yung Prini?"

"Lol. Edi prinito. Ang itim itim naman nyan.", napatawa nalang si Frances sa sinabi ng pamangkin.

"Kilala mo ba yan? Sev Dizon.", nakita ni Aicie na taga Hawaii yung nagfriend request ay pinindot kaagad niya yung accept. Nataranta si Frances at napamura sa ginawa ng pamangkin.

"Fudge! Bat mo inaccept!",galit na sabi nito habang nakatingin parin sa mga litrato ng lalaki na nakalagay sa wall ng facebook account niya.

Tall, dark and handsome plus macho pa ang Sev na nakikita niya sa picture, napalunok pa si Frances ng makita ang matipunong pangangatawan nito, kasama pa ang abs nito na lalong nagpapa hot sakanya. Hindi masyadong gwapo ang Sev na iyon base picture na nasa facebook wall niya, pero pwede na.

"Sino ba kasi yan? Di iunfriend mo nalang para walang problema. ", sagot ni Aicie sa kanya at saka lumabas ng kwarto. Di na sinagot ni Frances ang sinabi ni Aicie.

Someone I Knew, Someone I LovedWhere stories live. Discover now