MISTRESS-21

5.6K 82 1
                                    

Hours passed at nag aantay ako sa pagpasok ni Alex dito sa kwarto namin. Ganon ba sila nagkamisan at ang tagal nilang mag usap? Maiintindihan ko pa kung para sa mga anak nila eh. Kaso itong si Kyla naman nagtetake advantage...

Nagtayo na lang ako sa pag kakaupo ko dito sa couch dahil namamanhid na rin ang pang upo ko.

Di pa nga pala ako kumakain.. Nakalimutan na ata ako ni Alex. Nadadamay pa yung baby sa tyan ko. Napahimas naman ako ng tyan..

'Baby, alam mo? Masaya sana ako ngayon kaso sumingit yung ex ng daddy mo.. '

Napangisi naman ako sa nasabi ko sa isip ko..
Pati yung baby na walang pang kamalay malay eh kinakausap ko na agad tungkol kay Kyla. Sinisiraan kumbaga ^__^

Nung di na ako nakapagpigil eh naglabas na lang ako ng room na yun dahil nababagot na talaga ako at humihilab na din yung tyan ko dahil siguro sa gutom. Nagderetso ako sa kusina. Napansin ko na wala doon ang mga katulong. Hindi ko na lang sila inabala at kumuha ng pagkain mabuti na lang at luto na.

Kanin at Ulam lang na caldereta ang kinuha ko medyo marami rami rin toh. Nilagay ko yun sa isang tray para sa kwarto na lang namin kumain. Meron na ring pangtulak. Mahirap na.

Naglakad ako pabalik hindi ko naman kasi madadaanan ang dining at living room dahil saliwa mga daan dito. Nakarating ulit ako sa kwarto at nagtuloy sa living room section at ni lagay yung pagkain don..

Nagsimula na akong kumain. Takam na takam din ako. Ganto ba talaga pag buntis? Hmm.

Feel na feel ko ang pagkain ko. Ang sarap talaga magluto ng cook nila dito.
Medyo spicy rin kasi. Kung sana komportable ako dito palagi na lang akong nag ooffer na ako na lang ang nagluto para na rin isanay si Alex sa mga luto ko . Nung nasa condo ko pa kasi ako pag dun sya nagsstay palagi sya ang nagluluto eh ako naman minsan lang...

Natapos ako. Nagsandal na lang muna ako sa board nitong upuan nirest ko lang yung back ko.

Medyo pagod na rin ako... Kailangan kong ibalik itong mga hugasin kaya nagtayo na agad ako at naglabas ng room. Nang makarating ako sa kusina nagulat ako sa nakita ko...

Agad akong napatalikod at nagtago sa dingding. Hinigpitan ko ang kapit ko sa tray baka kasi mahulog dahil na rin sa panginginig ko.. Nagsimula na rin na tumulo ang mga luha ko at ang paghikbi ko ay medyo pinipigilan ko dahil baka makagawa iyon ng ingay..

Si Alex at Kyla,,,.... Naghahalikan sila...

Am I not enough Alex?

Am I?

Matatanggap ko pa yung paguusap nila kahit nagseselos na ako ehhh. Matatanggap ko pa na nagpepretend si Kyla na mag asawa pa rin sila kahit na naiinis na ako..

Pero yung hindi ko matatanggap eh yung makita si Alex at Kyla na naghahalikan lalo na't hiwalay na sila at alam ni Alex na may anak kami na dinadala ko... Hindi ko na kaya toh..

Inilapag ko na lang sa sahig yung tray at nagtatakbo paalis. Nadaanan ko pa ang living room at nakita ko ang nga anak nila pero nagderetso na lang ako palabas ng kabahayan...

"Manong pabukas ng gate.." Sabi ko kay manong guard..

"Mam gabi na po.. Di na po kayo pwedeng lumabas.."

"Please lang manong .." Wala na rin syang nagawa at binuksan din.. Pagkalabas ko ay nagtatakbo ako sa kung saan.  . agos ng agos pa din ang luha ko.. Bakit ganun Alex? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba wala na talaga kayo? Pero bakit ganto? Sinasaktan mo ako!

Nakalabas na din ako ng village mabuti naman.. Nagpara ako ng taxi . At sinabi ang Address ng village ni Bry. Alam kong uwian na ng work nya kaya malakas ang loob kong doon tumuloy..

MISTRESS [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora