"I'll get him to his bed." I told Francisco and he just nodded.

Iniakyat ko si Theodore sa kwarto niya at marahan siyang inihiga sa kama.

"Mmmy?" Theo opened his eyes and looked at me for a moment.

"I'm here, baby." Bulong ko sa kanya.

"M—My head is hurting." He's in the verge of crying.

"You'll be okay, baby. You just need to take your medicine to be superman again, okay?" I smiled sweetly, assuring him everything will be alright.

"I—I will be strong again?" He tried to smile.

"Yes baby, you will be strong again." I told him. Pumasok naman si Francisco sa loob dala ang gamot ni Theo at isang basong tubig.

Iniabot niya iyon sa akin at saglit ko namang isinandal si Theo para painumin siya ng gamot.

He carefully took his medicine and I also told Francisco to hand me a pair of new clothes for him. Pinalitan ko muna ang damit niya bago ko siya patulugin.

"I'll get him to sleep." I told Francisco and again, he just quietly nodded and get outside the room.

Pinapanood ko lamang si Theodore na matulog habang marahan kong hinahawi ang buhok niya. He likes that a lot and he always easily fall asleep when I'm doing it to him.

Halos isang oras ko siyang pinapanood matulog at para bang makita ko lang si Theodore, gumagaan na ang loob ko.

Saglit akong tumayo para tawagan si Arcee. Ala singko y media na ng umaga at unti-unti na ring sumisilip ang liwanag sa labas.

Ilang segundo lang ang lumipas, sinagot agad ni Arcee ang tawag ko.

"Good morning, Marse." I greeted him.

"Good morning din, Marse. Bakit ka napatawag ng ganitong kaaga, aber?" Lumayo ako saglit sa kama ni Theodore para hindi siya magising kung sakali mang marinig niya ako.

"Nandito ako ngayon kay na Francisco, Theo is sick." My voice was low. I heard him took a deep breath on the other line.

"Maayos na naman ba ang bata?" Bakas din sa boses nito ang pag-aalala.

"Maayos na siya, bumaba na ang lagnat at kailangan na lang magpahinga." Sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Theodore na mahimbing na natutulog.

"Ako na lang ang bahala sa meeting natin mamaya. Alam ko namang hindi mo kayang iwan 'yang bata, kilala kita." Saad niya.

"Salamat, Marse." Pilit akong ngumiti kahit hindi niya naman nakikita.

"Marse, nag-aalala na ako sa'yo. Alam mong ayokong masaktan ka na naman." His voice was worried and I know what he was talking about.

"Alam ko naman ang ginagawa ko, Marse. Para lang naman sa bata ito, alam mong mahalaga sa akin si Theodore." Sabi ko sa kanya.

"Para sa bata, eh paano naman ikaw? Paano kung may ipakilalang bagong ina 'yang si Francisco kay Theodore? So elbow ka na sa picture? Ganoon ba?" Napapikit ako sa sinabi ni Arcee.

Alam kong posibleng dumating kami sa ganoong pagkakataon at hindi ko alam kung kakayanin ko ba, pero kailangan ko. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila.

"Arcee..." Hindi ko na alam kung ano ba ang sasabihin ko ngayon.

"Marse naman, matuto ka na kasi. Kailangan ka lang nila kasi nandyan ka para sa kanila, pero kapag nakahanap na 'yan ng bago, kailangan mong tanggapin na wala ka ng papel sa buhay ng mag-ama mo ngayon. Huwag ka nang umasa na mamahalin ka pa ng lalaking 'yan." Para bang biglang isinampal sa akin ni Arcee ang katotohanan.

"Kailangan ka lang niya, pero hindi ka niya mahal." Bawat katagang binibitiwan ni Arcee ay parang mga palasong unti-unting tumatarak sa puso ko. Hindi ko iyon kaya at para bang gusto ko na lang gumising bigla sa panaginip ko.

"Sige na, Marse. Babalitaan na lang kita mamaya. Basta ikaw na ang bahala sa meeting natin, salamat." Sabi ko at tsaka ko ibinaba ang tawag.

Muli akong napapikit at huminga nang malalim.

Lumapit ako kay Theodore para tignan siya saglit bago ako lumabas ng kwarto niya at bumaba.

Nadatnan ko naman si Francisco na umiinom ng kape nang pumasok ako sa may kusina. Nakaupo siya sa harap ng lamesa at katulad kanina, parang malalim na naman ang iniisip niya.

Kumuha naman ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Pareho kaming hindi nagsasalita at hindi ko alam kung bakit parang biglang nagkahiyaan kami sa isa't-isa.

Muntik ko nang mahigit ang hininga ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Agad kong naramdaman ang init ng katawan niya na dinadantayan ng likod ko.

"Thank you, Camila..." He whispered to my ear. Humigpit ang yakap niya sa akin at wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit na lang at sabayan ang alon ng damdamin ko.

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

One Summer NightWhere stories live. Discover now