POEM #11 - IYO

93 1 0
                                    

Nagkikita ngunit hindi magkakilala
Nagkakilala dahil sa maling akala
Naging magkaibigan tayong dalawa
Naging malapit sa isa't isa

Umpisa pa lamang ay alam ko na
Hanggang magkaibigan lang tayong dalawa
Ngunit bakit ngayo'y ako'y di makuntento
Sa kung ano ang meron tayo?

Sa bawat paglipas ng mga araw
Pusong yelo ko ay unti-unting natutunaw
Sa iyong bawat ngiti
Puso ko ay parang kinikiliti

Ano mang pigil ko sa aking nararamdaman
Ano mang pilit ko sa sariling kong ika'y kaibigan lamang
Ay hindi na yata mababago
Na ako ay may pagtingin na sa iyo.

Collection of PoemsWhere stories live. Discover now