The Gangster and I 6

7 0 0
                                    

JIU BLUE FINZER

Sana buhay pa kaming lalabas dito. Sana wala kaming galos na lalabas dito. Sana matawagan ko pa ang pamilya ko. Sana makapagpaalam man lang ako ng maayos. Sana matawagan ko si Ate at sabihing ibreak niya ang gago niyang boyfriend. Sana balikan ako ni... Ops! SPG! SPG! Pero... Tang ina! Sana good mood si Xiu ngayon! Whoo! Kanina pa ako pinagpapawisan ng malamig dito! At alam kong hindi lang ako, kundi pati na rin ang dalawang katabi ko. Nakakatakot kasi aura ni Xiu ngayon =_____= buti pa si John. Relax pero hindi siya makakatakas sa gagawin ng kambal niya. Nasa isang VIP room kami ng bar ni Pain. Tahimik kaming anim dito sa loob. Nakatulog kasi si Vain sa kama. Akalain niyo yun? May gana pang matulog sa ganitong sitwasyon. Samantalang kami, kanina pa kami inaantok! Bwiset! May quiz kami sa Philosophy bukas. Buti nalang hapon yun. Makakareview ako. Consistent honorol ako sa school kahit papaano. Sinilip ko ang wall clock. 12AM na pala. Mamaya na yung quiz =______= wala pa akong tulog. Nagulat ako nang tumayo si Xiu sa harapan naming apat. Tumingala ako. Tss. Kapatid ba talaga nito ang lider namin? Parang siya naman ang lider namin. She knows how to tame us. Basagulero naman na talaga kami noon pa pero nakulangan iyon dahil kay Xiu. Hindi ko na maalala kung anong ginawa niya sa amin at we accepted her. Simula palang kasi e she has this leadership aura surrounding her. Balik tayo sa realidad. Ayun, nakatayo lang si Xiu sa harapan namin. Hindi siya umiimik. Pero alam naming anytime, sasabog na yan at may madugong labanan ang mangyayari. Napalunok ako sa thought na mag-aaway ulit kami. Si Xiu kapag lasing, parang si John lang kapag talagang bad mood siya. Maghahanap siya ng away. Pero nagtataka ako kasi laging kami ang inaaway niya. Nung una, nakakainis pero we survived naman. Pero kapag lasing si Xiu at nasa good mood siya, matutulog lang siya. Hindi niya kami sasapakin lalo na kapag may ginawa kaming ayaw niya. Pero yung nangyayari ngayon parang bad mood siya. Kasi kung good mode siya, kanina pa sana niya katabi si Vain na natutulog sa kama hanggang ngayon. Tapos tinawag pa kami sa pangalan ng grupo namin. Dark Lyons. Sa paraan ng pagbigkas niya kanina ng pangalan ng grupo ay parang I smell trouble. Ngumise siya e!

"Lyons..." tinignan namin siya. What now? Sana talaga good mood siya! Napalunok ako ng ngumisi siya at bahagya akong siniko ni Lance na nasa tabi ko. Siniko ko siya pabalik para manahimik siya. Sumunod naman.

"What do you need, sis?" malamig na sabi ni John. Mas lalo akong kinakabahan e! Parang mag-aaway sila. Hindi naman na bago sa amin na mag-away sila physically pero nakakagulat pa rin minsan. Babae si Xiu. Kung lalaki lang sana siya, edi iisipin naming bonding nila pero hindi e.

"I should be asking you that, John. What do you want?"

"Nothing."

"Then, the question's answered. Go to sleep." napatingin kaming apat sa kanya. Nabuhayan ako bigla. Good mood siya! Yes! Tumayo kami at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kama. Tumikhim si Xiu.

"Where do you think you're going?" sabi niya mula sa likod namin. Liningon namin ito. Nakataas ang isang kilay niya.

"Matulog malamang." sabi ni Lance. Nagroll eyes siya at pumunta sa harapan namin.

"Go and get a room. Dito kami." sabi niya.

"Wala nang vacant, Xiu. Ito lang." sabi ni Pain. Napabuntong hininga siya.

"Uwi nalang kami."

"What?! Are you insane?!"

"I'm perfectly sane, John."

"Sa hotel nalang tayo."

"No. Dito nalang kayo. Magpalagay nalang kayo ng mga mattress diyan sa sahig." suhestiyon ni Xiu. Nagkatinginan kaming apat. Sabay tingin sa sahig. Kami? Matutulog sa sahig? Bago ata yun sa pandinig namin a.

"Ano? Dito kayo sa sahig matutulog o uuwi kami ni Vain?"

"Tatawag lang ako ng maglalagay ng mattress dito." Pain at agad na kumilos. Napabuntong-hininga kami. Mukhang may sasakit ang likod pagkagising. Good mood ba talaga si Xiu ngayon? Bakit parang feeling ko, parusa to?

The Gangster and IWhere stories live. Discover now