The Gangster and I 2

5 0 0
                                    

VAIN KIANA HEDZILL

"Hoy! Vain! Flinush ka na ba jan?! Tagal!" inis na sigaw ng best friend ko sa labas ng Ladies' CR.

"Sandali lang!" sigaw ko pabalik. Maglalagay ako ng napkin e! Binuksan ko yung bag na inabot niya sa akin kanina. What the!

"Pain! Ano tong binili mo?! Napkin ba to o band aid talaga?!" inis na sigaw ko. Narinig ko naman ang tawa niya sa labas. Binuksan ko yung cubicle kung nasaan ako. Kaharap niya lang yung pintuan. Nilabas ko ang ulo ko para tignan siya at nakita ko siyang tumatawa.

"Napaka-gago mo talaga! Argh!" sigaw ko. Huminto siya sa pagtawa at itinaas ang isa pang bag. Nakangisi itong nakatingin sa akin. Nakita ko ang isang kilalang brand ng napkin dun sa bag na yun.

"Vain... Vain... Vain... My little Vain..." nakangising sabi niya. Kinuha ko yung bag kung nasaan ang isang box na band aid at hinagis sa kanya kaso hindi umabot. Tinawanan pa tuloy ako lalo! Kainis!

"Pain. Amin na yang napkin, please. Tatagusan ako e." nahihiyang sabi ko. Tinignan niya lang ako at umiwas ng tingin.

"Hindi ako pwede jan sa loob. Pang babae yan."

"Wala namang tao e. Please. Pakipunta mo na dito." pagmamakaawa ko. Umiling siya. Asar!

"No. Ayoko. Hindi pwede."

"Xiu. Pwede bang pakibigay mo ito sa babaeng yun? May period kasi e." nahihiyang sabi niya sa isang babae. Napatingin ako sa kaharap niya. Matangkad ito para sa babae. May nakalagay na armband sa coat niya. Meaning, Student Body Officer siya. Napatingin naman sa akin yung babae. Ngumiti ako ng bahagya at siya naman ay ngumisi. I sense something... trouble. Bumalik ang tingin niya kay Pain. Hindi pa rin naaalis ang ngisi nito.

"No. Ikaw na magbigay. Wala naman kayong gagawin na masama e." nakangising sabi niya kay Pain. Nanlaki ang mga mata ni Pain. Ako naman e nagulat.

"What?! Ayoko nga! Ladies' CR yan!"

"Hmm... Nice. Abiding the rules, huh?"

"Syempre! Takot ko lang mapunta sa Detention!"

"Suki naman kayo dun e. Dali naaa." pagpupumilit ng babae. Sinara ko na ang pinto ng cubicle at umupo sa bowl. Naiihi ako. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto kung nasaan ako.

"Napkin delivery, Miss." sabi ng babae. Yung babae na kausap ni Pain. Nilusot naman niya sa butas ng pintuan sa baba.

"Salamat."

"No worries." sabi niya. Kinuha ko ang bag at binuksan yung isang pack. Kumuha ako ng isang piraso ng napkin at nagsimulang ilagay ito. Natapos na ako at lumabas na ako. Pumunta ako sa sink at naghugas. Lumabas ako ng CR at nakita kong nakasandal si Pain sa may window na katabi ng CR. Tumayo siya ng tuwid nang makita niya akong nakalabas na.

"Tara na?" alok niya. Tumango nalang ako.

"Section mo?" tanong niya.

"Akala ko alam mo?"

"Magtatanong pa ba ako?"

"Section 1."

"Same tayo." sabi niya. Kinuha niya yung bag ko at sinabit sa balikat niya. Naglakad kami ng naglakad. Sa wakas! Nakarating na kami! Tinignan ko yung nasa taas.

Section 3-1

Pumasok na kami. Maayos ang classroom. Hindi ito magulo pero nagtaka ako ng napatingin silang lahat sa amin. Okay... Anong meron? Tinignan ko si Pain pero parang wala lang sa kanya. Naglakad siya papunta sa mga upuan sa likod. Sumunod lang ako syempre. Umupo kami sa gitnang upuan. By pair yung nangyari sa mga upuan dito. Kaya magkatabi kami. Nag-ring na yung bell. Nagsi-ayos naman na ang mga kaklase namin. Wala pang limang minuto ay bumukas ang pintuan at pumasok ang tatlong lalaki at isang babae. Kasunod nito ang guro. Umupo ang apat na kararating sa magkabila namin. Tahimik ang buong classroom. Walang nagsasalita. Ni isa. Bago napagdesisyunan ng guro na putulin ito.

The Gangster and IWhere stories live. Discover now