The Gangster and I 1

9 1 0
                                    

XIU JEAN RESSE

Kanina pa ako katok ng katok sa pintuan ng kwarto ng magaling kong kambal. Mag-a-alas sais na kasi e. Kailangan na niyang bumangon para makapaghanda na rin siya for school. Buti pa sana kung malapit ang school! May gagawin pa ako sa school!

"John! Wake up! Damn it!" kinalabog ko ang pintuan lalo. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata nito.

"Why are you waking me up so early, twin?" mahinang sabi niya. Tinulak ko yung pintuan to give me more access na makapasok. Nakita ko ang kambal kong naglakad papunta sa kama niya at binagsak ang katawan niya dun. Natulog ulit. Psh. Lumapit ako sa bintana niya at tinabig ang kurtina para makita ko ang sunrise. Ang ganda talaga. Liningon ko muli si John na mahimbing na natutulog. Napangisi ako sa naisip ko. Ayaw mo palang bumangon ha? Humanda ka! Pumunta ako sa study room namin at kinuha ang mga markers. Pumasok ako muli sa kwarto ni John at inayos siya ng higa. Nakasayad yung mga paa niya sa floor e. Buti nga at tulog mantika ang lokong to. Sinimulan ko nang gawing canvas ang mukha niya. Sa nakapikit niyang mata ay nagdrawing ako ng mata ulit. Nilagyan ko pa ng maiksing mga pilikmata. Sunod naman ay ang noo nito. Nagdrawing ako ng linyang kurba na parang kulubot na balat. Kinuha ko ang pulang marker at nagdrawing ako ng spiral sa magkabilang pisngi nito. Yung parang sa Naruto. Huminto ako sandali para tignan mukha niya. Napangisi ako lalo. Kinuha ko yung lipstick ko na binili ni Mama for me. Di ko naman to hilig e. Nilagay ko ito sa manipis niyang labi. Sobra sa labi niya yung ginawa ko. Linampas ko ito. Ginawa ko siyang Joker. For the finale! Hahaha! Kinuha ko ang yellow marker at tinusok-tusok ng bahagya ang buong mukha niya. Leaving dots everywhere. Done! Kinuha ko ang phone niya na nakalapag sa bedside table niya. Pinicturan ko ito at ginawa kong lock wallpaper niya. I'm very sure that he is furious when he sees what I did to his face. Nilabas ko rin ang phone ko na nasa bulsa ng pajamas ko. Pinicturan ko rin siya. Dahan-dahan kong niligpit ang mga markers at lumabas ng kwarto niya. Maghahanda nalang muna ako for school. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo ng mabilisan. Pagkatapos ay sinuot ko na ang uniporme ko na nakasabit sa pintuan ng wardrobe ko. Lumabas ako ng kwarto ko. Dumiretso ako sa kusina at nagsimulang magluto ng almusal namin. Wala si Manang Lela e. May emergency daw sa bahay. Binuksan ko ang ref at kinuha ang mga hiniwa kong gulay kagabi na iluluto ko for today. Sinalang ko na ang pan at nagsimula na akong magluto. Una, fried rice. Then, lumpia for the topping. Matapos kong magluto ay pinatay ko na ang kalan. Pupuntahan ko muna si John. Hindi pa yata gising e. Pumunta ako sa kwarto niya at nakita kong nakaupo siya sa kama niya. Bahagyang nakabukas kasi yung pinto e. Wala itong damit pang-itaas. Well, sanay naman na ako na ganyan siya. May tuwalya na nakasabit sa balikat niya. Bagong ligo ata. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok ng tuluyan. Sinamaan niya ako ng tingin.

"What the hell did you do?" kalmado niyang sabi. Alam kong deep inside e naiinis to. Ganun rin kasi ako minsan. Nagkibit-balikat lang ako at lumapit sa kanya. Napansin kong namumula ang mukha niya. Nahirapan yatang alisin ang mga marker. Kinuha ko ang tuwalya sa balikat niya at pinunasan ang basa niyang buhok.

"Alam mo, kambal." panimula ko.

"As if I know. Tss." inis niyang sabi. Hinampas ko yung tuwalya sa ulo niya. Umaray siya.

"Makinig ka nga muna kasi! Bwiset!"

"Ano ba kasi yun?!" huminga ako ng malalim para kumalma at sinimulan ulit na punasan ang buhok niya. Bahagya na itong tuyo.

"Pag-gagraduate daw tayo sa high school, sa France daw ako mag-college. Sabi nina Mama."

"Ako? Paano ako?" sagot niya. Alam kong hanggang ngayon. Hanggang ngayon, umaasa siyang papansinin siya nina Mama. Well, lagi namang siya ang pinapansin kaso puro mga kamalian niya ang tinitignan nila.

The Gangster and IWhere stories live. Discover now