1: The Girls

5.6K 115 1
                                    

*Clarissa Point Of View*


Kalilipat pa lang namin sa new house namin kahapon. Kaya ito kami inaayos ang magiging kwarto namin. Bale kasama kong titira ang mga kaibigan ko sa iisang bahay dahil nakapagsundo ng parents namin tumira na magkakasama. Malapit sa school kung saan kami mag aaral ang nilipatan namin para maaga kami makapasok.

Masaya naman ako na kasama ko sa bahay ang tatlo kung kaibigan para may kausap man lang dahil noong nasa bahay lang ako lagi lang ako nasa kwarto nagkukulong.

“Nakakaboring naman! Mga bruha punta tayo ng mall” pagyaya ako dahil kanina pa ako dito nakaupo sa sofa at naboboring.

“Magandang ideya nga yan. Sige hintayin niyo ako magbibihis lang ako” sabi ni Margo bago siya umakyat at pumunta ng kwarto niya para bumihis.

Kahit ako kailangan ko rin bumihis kaya iniwan ko muna yung dalawa na abala sa kanilang ginagawa. Bahala silang kung hindi sila sasama, basta kami ni Margo aalis at mamasyal.

Pagbalik ko sala nagulat ako ng makita ko sila Nam at Gail na nakabihis. Sasama ba sila? At bakit parang nauna silang bumihis kesa saakin? Ay ewan ko sa kanila nagugulo tuloy ang utak ko.

“Ang tagal mo naman bumihis Claris” pagnunumbat saakin ni Gail habang naikinakabit ang hikaw sa tenga.

“Akala ko ba hindi kayo sasama” nakatingin lang ako sa dalawa na nagtataka kung bakit nakabihis ka agad sila.

“Maraming namamatay  sa maling akala” this time ang childish naman ang nagsalita. Ang batang to sinasagot sagot na ang ate niya.

“Pwede ba wag na kayong mag away at mabuti pang umalis na tayo” sabi ni Margo at nauna ng lumabas ng bahay papunta ng parking lot.

Pagdating namin tatlo nila Gail at Nam sa parking naabot namin si Margo na nakasakay na sa driver seat. Sumakay ako sa passenger seat samantalang yung dalawa ay  sa back seat.

“I'm so excited sa magiging school natin” pagbabasag ni Nam ng katahimikan habang inaayos ang buhok.

“Me too” isa pa ito si Margo. Alam niyang masamang makipag usap kapag nagmamaneho gusto niya yata maaksidente kami.

“Syempre excited rin ako sa new school natin” sabi ni Gail pero abala sa pagcecellphone.

“Ikaw Claris hindi kaba excited sa magiging school natin?” na saakin na ngayon ang mga atensyon ng kaibigan ko at hinihintay ang magiging sagot ko.

“Malamang excited” matipid kung sagot at tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Margo.

“Baka this year ko na makilala ang magiging first boyfriend ko” kilig na kilig na sabi ni Nam. Ito talagang si Nam excited mag ka boyfriend.

“Tss” tumingin kaming tatlo nila Nam at Margo kay Gail na nakukuha ng atensyon namin “O bakit ganyan kayo makatingin” tanong niya ng nakita niyang nakatingin kami ng masama sa kanya.

“Why your so kill joy” may nalalaman pang pout ang bruha. Childish ba naman. Ewan ko sa dalawang to minsan magkasundo at minsan makagalit.

“Pwede ba magsitigil kayo dahil nadidisrack akong magmaneho!” mukhang galit na si Margo. Kapag galit si Margo lumalakas na ang boses niya dahilan para matakot kana.

“Bakit ganyan kayo saakin always niyo na lang ako inaaway”  pagtatampo ni Nam kaya hanggang sa makarating kami ng mall walang ingay dahil nagtatampo saamin ni Nam.

Si Nam lang naman kasi ang maingay saamin kaya kapag nagtatampo yan hindi yan namamansin.











A/n: hanggang dito muna po tayo dahil inaantok na si author😘❤💪

AMAZONA vs GANGSTERWhere stories live. Discover now