CHAPTER 60 (pt. 2)

3.7K 81 22
                                    

<Carmella’s POV>

Sa ilalim ng mainit na araw at maingay na kalsada, naroon pa rin sila tapat ng club na pinaniniwalaang gumagamit ng mga menor-de-edad na GROs. Ang nakakainis lang, imbis na tulungan sila ng mga pulis para maipasara iyon ay sila pa ang pinapaalis ngayon.

“ISARA NA ANG CLUB NA ‘YAN!” sigaw ng leader nila. “HINDI PINANGANAK ANG MGA BABAE PARA BASTUSIN AT PASAYAWIN SA HARAP NG MGA MANYAK NA LALAKI!”

“ISARA! ISARA!” sabay-sabay nilang sigaw habang hawak-hawak ang mga placard.

Nagpatulyo ang paglilitanya ng leader nila, nakikipag-sagutan na din ito sa Pulis na naka-barikada sa paligid ng lugar.  

“Excuse me, excuse me.”

Parang pamilyar ang boses na iyon na naririnig niya mula sa likod. Pero hind naman siguro pupunta ang lalaking ‘yun sa ganoong lugar.

“Carmella!” kasabay ng boses na ‘yon ang biglang paghila sa kanya ng kung sino man.

“Paul! Ano bang ginagawa mo dito?!” tanong niya ng makita ito, hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya dahilan para mabaling sa kanila ang atensiyon ng ilang kasama.

Ang sama ng mga tinging ibinibigay ng mga kasamahan niyang nandoon din. Sinipa siya ng kaba sa dibdib, kilala ng mga ito si Paul at nilagyan na ito ng mga kasamahan niya ng imaginary X-mark sa ulo nito. Napa-iling siya, hindi madadaan ng charm nito ang mga kasama niyang nandoon.

“Ano ba ‘yan Carmella? Bakit kausap mo at hawak mo pa ang kamay niyan ni Salas!” sabi ni Lily, ang tumatayong leader ng grupo nila.

Lumingon siya dito. “A-Ah, itinatanong niya lang kung nasaan si Sharlene.” Lumingon siya kay Paul. “’Di ba si Sharlene ang hinahanap mo?” tanong niya dito sa nagbabantang boses. Pinisil din niya ang kamay nito para iparating dito ang mensahe.

“Bakit ba pisil ka ng pisil ng kamay diyan?” Talaga naman Paul! Buti pogi ka! “Miss, sorry pero si Carmella talaga ang sadya ko. What you’re doing is dangerous, pwede niyo namang idaan sa magandang usapan. Kung gusto niyo ako pa ang magsara ng pesteng Club na ‘yan eh.” Kausap nito kay Lily na ikinataas ng kilay ng huli.

They’re in trouble. Nakuha na nila ng tuluyan ang atensiyon ng lahat. Kapag hindi pa umalis si Paul doon, nasisiguro niyang mapapahamak ito.

“And what are you trying to imply, Mister? Wala kang alam dito, tama? Kasi Gawain mo lang naman ang mambastos at paglaruan ang mga babae.” Sagot ni Lily dito. “Alam mo katulad ka lang ng mga lalaking nasa loob ng club na’to!”

Nakita niya ang inis sa mukha ni Paul sa kauna-unahang pagkakataon. He used to be so calm and cool. Mukhang nasaling nga talaga ni Lily ang ego ni Paul. And Paul Salas is still Paul Salas, one of the members of the famous F4.

Kaya bago pa sila manganib doon ay hinila na niya si Paul paalis. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga kasamahan niya.

Nang medyo makalayo na sila ay binitawan na niya ito. “Ano ba kasi ‘tong ginagawa mo Paul! Bakit ka nandito?! Muntik na akong mapahamak nang dahil sa’yo.”

“Sa’kin ka pa ngayon galit eh ako nga ‘yung siniraan ng kasama mo.” Mukhang seryoso nga talaga ang buwisit nito. “Paano niya nasabi ang lahat ng ‘yon! Naging girlfriend ko ba siya?! Ni hindi pa nga kami nakakapag-date, ang galing niya manghusga!”

“Totoo naman ang sinabi niya ‘di ba?” sabi niya nang hindi man lang nag-iisip, pero papanindigan na niya kahit na nakakaramdam siya ng takot dito.

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now