CHAPTER 53 (pt. 2)

4.5K 84 37
                                    

After 5 years…

Binilasan na ni Sharlene ang paglalakad. Kanina pa siya tinatawagan ng mama niya nasa kanila na daw ang inaasahan niyang bisita. She can’t wait to see her visitor. Matagal din itong nanatili sa ibang bansa kaya naman miss na miss na niya ito.

Limang taon na ang nakakalipas. 3rd year college na siya ngayon sa Malaya University kung saan siya kumukuha ng kursong AB in Broadcast Communication, dahil malayo ang bahay nila doon, ikinuha siya ng mga magulang niya ng bahay sa Quezon City.

Naging maganda na ang buhay nila ngayon dahil sa naging matagumpay ang business na itinayo ng papa niya. Pero tulad noon, scholar pa rin siya kaya naman wala pa ring gastos ang mama at papa niya sa pag-aaral niya sa kolehiyo.

 Kasama niya pa rin si Carmella ngayon, mukhang mahirap na nga silang paghiwalayin sa isa’t-isa. Her friend has changed a lot. Kung dati ay medyo may pagka-mahiyain ito, ngayon naman ay kasama na ito sa mga aktibista sa Malaya. Naging mas matapang at mas aktibo na ito kaysa noon. Hindi niya alam kung ano’ng nangyari dito pero naging mas maganda naman ang idinulot no’n sa kaibigan niya.

“Ma, nandito na po ako.” Sabi niya nang sa wakas ay makarating na siya sa kanila.

Nakita niya ang mama niya sa kusina kasama si Tita Frances, ang mama ni Francis. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito dahil mukhang abala na naman ang mama at tita Frances niya sa paggawa ng pastilyas. She hugged her Tita Frances from the back.

“Naku talaga itong batang ito kahit kailan!” saway ng mama niya sa kanya.

Natatawa namang lumingon si tita Frances sa kanya sabay yakap muli ng mahigpit. “Hayaan mo na Mylene, alam mo namang ngayon na lang ulit kami nagkita nitong si Shar.”

“Oo nga naman mama.”  Naka-ngiti niyang sabi nang magkahiwalay sila ng mama ni Francis. “Kasi naman tita, dito na lang ho kayo sa Pinas ulit. Saka na kayo mag-travel around the universe.”

Natawa na naman ito sa kanya. “Eh kung nagpapakasal na kayo ng anak ko, edi dito na lang ako sa Pilipinas pumirme at mag-alaga ng mga apo. Alam mo naman si Francis, medyo ayaw nang nagpapa-alaga sa mommy.”

“Grabe naman tita! Nag-aaral pa ho ako.” natatawa niyang sagot sa sinabi nito. Palagi na lang silang inaasar ng mga magulang nila ni Francis tungkol sa pagpapakasal. They’ll be celebrating their first year anniversary tomorrow. Nasa Cebu lang ito ngayon para sa isang seminar na dinaluhan nito.

Now that she realized it, she misses him now. Naaalala niya pa noong pagkatapos pa lang ng aksidenteng kinasangkutan nila ni Jairus sa JSA. Hindi na siya nakapag-aral pa doon dhail hindi na siya maaaring mag-laro ng badminton matapos mapinsala ang buto niya sa braso. Sumasakit na iyon tuwing mapupuwersa sa paggalaw.

Wala na siyang balita kay Jairus. Umalis na din sila Ella sa Pilipinas at nagtungo sa Europe. Inisip niyang nandoon din si Jairus ngayon at natuloy na ang pagpapakasal ng dalawa. Mahirap mag-move on sa simula.

She’d been through hell without him.

She’d been through an unbearable pain without him.

Ang dami niyang regrets. Ang dami niyang what ifs. She could hardly sleep at night ‘cause she could see Jairus’ face full of blood in her dreams. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dito at sa nangyari sa kanilang dalawa. If only she’s brave enough to fight for him.

If only she listened to Carmella’s advices.

Masaya pa rin sana sila na magkasama ngayon. Nakikita niya pa rin sana ito at nahahawakan. Buti na lang at nandiyan si Francis na tumulong sa kanya na makalimutan ang sakit. It wasn’t easy on her part but Francis never gave up on her. Ito ang nagbalik sa kanya ng mga ngiti niya. if it wasn’t for him, she doesn’t know where she would be.

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now