CHAPTER 25

5.5K 97 22
                                    

Nakakahiya man, pero nandoon nga siya sa labas ng gym at naka-silip sa practice nila Jairus. Bahala na kung may makakita man sa kanya habang lihim na sinisilayan ito. She really can’t stand a day not seeing him. Parang naging instant pang-kumpleto niya ito sa araw noon pa, at ngayong hindi na niya ito maka-usap o malapitan man lang, pakiramdam niya laging may kulang.

“A sight to behold isn’t he?”

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya. Sana pala hindi na lang niya sinabi na ‘bahala na kung may makakita man sa kanya’ dahil ang totoo, wala naman siyang alam na pan-depensa sa sarili niya kung sakali mang may maka-huli sa kanya. Lalong-lalo na ang kahuli-hulihang taong gusto niyang makita sa araw na iyon.

Pumihit siya patalikod mula sa entrance ng gym. “Nash.”

Nash is looking straight to her eyes. Nagsisimula na siyang mailing sa paraan ng pagkaka-titig nito. Hindi naging maganda ang pag-uusap nila kagabi. She’s really hurt.

“Let’s talk…” sabi nito at bahagyang may sinilip sa likod niya bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Tara sa lakeside.”

Napabuntong-hininga siya. Ito na naman sila. Ano naman kayang masakit na mga salita ang baon nito ngayon para sa kanya?

Nakakalungkot lang na mali pala siya dito. Akala niya kasi  ito na ang pinaka-mabait kanila Jairus, pero sa ikinikilos nito ngayon, parang mas gusto niya pang harapin si Bogs.

Nawala ang lahat ng iniisip niya nang unti-unti na silang makarating ni Nash sa lakeside. Parang gusto niyang maiyak. Naalala na naman niya si Jairus, naaalala niya ang mukha nito noong makita niya itong natutulog sa ilalim ng puno. Jairus is such an angel. If only she could be with her angel.

Lalo pang naging parang baha ang buhos ng mga alaala nang tuluyan na silang naka-tayo sa ilalim ng punong mangga. She involuntarily holds the ring on the necklace.

Jairus, tulungan mo naman ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaibigan mo. Gusto niyang layuan kita, pero paano ko naman gagawin ‘yun ng matiwasay kung lagi naman kitang naaalala. Miss na miss na miss na miss na kita. Kausap niya sa singsing na para bang si Jairus mismo iyon.

“Gusto kong magkalinawan na tayong dalawa…” itinaas nito ang isang piraso ng papel na noon niya lang nakitang hawak nito. “Sasabihin ko na sa’yo ang lahat at kung maniniwala ka sa mga malalaman mo, ito ang dropping form mo. Ako mismo ang magpapasa nito.”

Napanganga siya sa sinasabi nito. “Ano pa bang kailangan mo? Lumalayo na ako!”

“Pero mahal mo siya.”

“Ano ba talagang issue dito Nash? Nakakasawa na ‘yung palagi ka na lang ganyan pero wala ka namang sinasabing kahit ano sa’kin.”

“He can’t love you.” Sabi nito sa seryoso at mariin na boses.

Ito na ang hinihingi niya kay Nash. Moment of truth.

 “Alam ko.”

“Hindi mo alam.”

“Ang alin?”

“You look like Selene, Ella’s half sister and Jai’s first love. Siya ang dapat papakasalan ni Jairus at hindi si Ella…kung hindi lang siya namatay dahil sa brain cancer. That ring. Noong araw na makita ko ‘yan sa’yo, kinutuban na ako. Pang-ilan ka na bang nilapitan at pinakitaan ng mabuti ni Jairus dahil naaalala niya sa mga babaeng ‘yon si Selene? Naaalala niya sa’yo si Selene. At ang singsing na ‘yan, ang pagmamahal na ibinibigay niya sa’yo, those are not for you but for Selene.” Diretsong sabi nito sa kanya.

Kulang ang salitang gulat para i-describe ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pero napalitan din iyon kaagad ng lungkot. Tinignan niya ang singsing na binigay ni Jairus sa kanya. Kaya pala ganoon na lang ito maka-tingin sa kanya noong makita niya ito sa lakeside.

Kaya pala ibinigay nito sa kanya ang singsing na iyon, siguro dahil hindi nito nagawa iyon noong nabubuhay pa si Selene.

Nakakalungkot lang na hindi pala siya ang mahal nito, kundi ang babaeng nakikita nito sa kanya.

“Actually, mata at buhok niyo lang naman ang magka-hawig. Pero kung ikukumpara sa mga babae na pinagka-kamalan niyang si Selene, kayo ang pinaka-malapit na magka-hawig. That might be the reason why he gave you that ring.” Patuloy pa nito.

She can’t hold her tears back anymore. Naaalala niya ang lahat ng sinabi ni Paul. Na siya ang dahilan ng mga ngiti ni Jairus, na ayaw nitong malayo sa kanya na ngayon lang ito naging masaya at dahil iyon sa kanya, lahat pala ng iyon ay para kay Selene.

Ngayon naging malinaw na sa kanya ang lahat.

 Kung bakit mabait ito sa kanya.

 Kung bakit iba ang ugali nito kapag kaharap siya.

“Anong nangyari sa mga babaeng naging malapit sa kanya noon?”

Nakikita niya ang awa sa mga mata ni Nash. Ang buong akala niya ito ang masama, pero ito pala ang nag-iisang nagmamalasakit sa kanya noong una pa lang.

“He dumped them after realizing that they are nothing compared to his Selene. At natatakot akong matulad ka sa mga babaeng ‘yon. You’re too young to get hurt.”

Doon na siya napahagulgol. Nasasaktan siya pero hinahanap-hanap pa rin niya ito. At sa mga oras na iyon, wala siyang gustong lapitan at sabihan ng problema kundi si Jairus mismo.

Niyakap siya ni Nash ng mahigpit. But nothing compares to the comfort and security that she feels whenever Jai hugs her.

Pero sa bawat yakap ba ni Jairus sa kanya ay siya ang nasa puso’t isip nito?

“Ipapasa ko na ba ito? I’ll fix everything for you, makakapasok ka pa rin sa magandang school.” Sabi nito sa kanya nang magka-hiwalay sila.

Tinitigan niya ang dropping form na ‘yon. Ang kapirasong papel na iyon ang magtatakas sa kanya sa lahat ng sakit na nararamdaman niya, pero hindi ang itinanim na niyang pagmamahal kay Jairus.

Don’t leave me. Naaalala niya pa ang mga salitang iyon na lumabas sa bibig ni Jairus, ngunit hindi na iyon maganda sa pandinig niya ngayon. Ipinapaalala lang nito sa kanya kung bakit siya nito nilalapitan.

“Bigyan mo ako ng oras para makapag-isip Nash. Hindi madali para sa akin ‘to.”  sagot niya dito.

Nakikita niya ang pagtataka sa mukha nito. Inaasahan na nitong pagkatapos niyang malaman ang lahat ng iyon ay aalis na siya sa JSA nang gutay-gutay ang pagkatao.

Pero si Sharlene San Pedro pa rin siya, at ipinangako niya na noon bago pa man siya pumasok sa JSA na walang kahit na ano o kahit na sino ang makakapagpa-alis sa kanya doon.

“Nagda-dalawang isip ka?”

“Pumasok ako sa JSA hindi para kay Jairus.”

Tumango ito sa kanya saka iniabot sa kanya ang dropping form. “Just in case.”

Inabot niya, sa nanginginig na mga kamay, ang dropping form. “Salamat.”

Nabigla siya nang may biglang humablot ng form mula sa mga kamay niya. Parehas silang napalingon ni Nash dito.

“What the hell is this Nash!” sigaw ni Jairus.

Then her heart beats fast again. 

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now