Limang taon na ang nakalipas mula noong biglang napagdesisyunan ng pinominal na tambalan na kilala bilang "KathNiel" na magpakalayo-layo na sa mundong kanilang kinalakhan. Lihim na nagpakasal na pala ang pares noong una silang bumisita sa bansang Gresya. Nangyari ang pag-iisang dibdib ng pares sa ikasampung anibersayo ng kanilang tambalan.
Nalaman lamang ito ng samabayanang Pilipino nang maging mukha sila ng isang prestihiyosong magasin na kilala sa larangan ng moda. Ang naturang larawan ay kinunan sa isa sa mga pangarap na mapuntahan ng tambalan, ang isa sa mga may magagandang dagat sa buong mundo, ang Maldives.
Hindi nagkamayaw ang mga tagahanga ng tambalan nang mabasa nila ang nilalaman ng naturen magasin. Nakapaloob don ang iilang mga detalye ng kanilang naging kasal sa Gresya at ang pagmahahalang nabuo sa loob ng sampung taon ng pagiging magkapares nila sa industriyang kanilang kinabibilangan. May ilang naiyak sa tuwa, may ilang natulala, may ilang napauwi ng wala oras sa Pinas. Ayon sa mga artikulong kaakibat ng mag larawan ng pares, gaya ng matagal nang nais ni Daniel, ikakasal sila ulit sa harapan ng kanilang mga tagahanga. Gaganapin ang pag-iisang dibdib muli ng KathNiel sa panglabindalawang tong anibersaryo ng kanilang tambalan. Pagkatapos noo'y hindi na raw muli pang pipirma ang dalawa ng bagong kontrata at tahimik na bubuohin ang kanilang pamilya sa ibang bansa.
Limang taon na ang lumipas nang ginulantang ng KathNiel ang mga Pilipino. Kumusta na kaya sila ngayon? Sa pagkakaalam ng mundo ng mga artista, meron na silang dalawang anak at masaya silang namumuhay sa London.
Kamakailan lang, bali-balita sa mga tagahanga ng tambalan na uuwi ng Pilipinas ang dalawa at magkakaroon daw ng munting pagsasalo kasama ang ilan sa kanilang mga tagahanga. Ito raw ay inorganisa ng kanilang mga inang si Luzviminda at Karla. Pili lamang ang kanilang inimbita dahil ayaw nilang pagkaguluhan sila lalo na't hindi naman sila ang magiging sentro ng salo-salong ito. Nais sana nilang makipagkumustahan na rin sa ilan nilang mga tagahangang naging malapit na din sa kanila.
Sumapit ang araw ng pagsasalo, hindi makalma ang mga tagahanga ng KathNiel. Pagpatak pa lamang ng ikalabindalawa ng hatinggabi sa araw ng pagsasalo ay nangunguna na ang itinalagang opisyal na hashtag para sa gaganaping okasyon.
Bago lumabas ang mag-asawa ay nagkaroon muna ng maliit na talumpati ang mga nag-oragnisa ng okasyon. Ipinagpasalamat ng dalawang ina ang pagpapaunlak ng mga tagahanga ang kanilang imbitasyon kahit na alam nilang abala ang mga ito sa kani-kanilang trabaho.
"Limang taon na rin ang lumipas nang huli niyo silang nasilayan, kaya kami'y taos-pusong nagpapasalamat sa pagmamahal at suportang walang sawa ninyong binigay. Andito ta'yo, upang alalahanin ang mga magagandang alaalang ating nabuo, binubuo at bubuohin pa sa hinaharap. Maaari bang sabay sabay tayong magbilang hanggang beyntesinko bago natin salubungin ang KathNiel?"
"Yes!"
At nagbilang nga ang mga imbitado sa salu-salo habang halos magkandahaba na ang leeg nila sa pag-aabang na umakyat ang KathNiel sa maliit na entabladong nakalagay sa harap. Hindi naman nagtagal ay umakyat na nga sila. Unti-unting nagtayuan ang mga tao sa kani-kanilang upuan habang hindi mapuknat na ang ngiti sa kanilang mga labi. May iba pa ngang napapunas sa kanilang mga pisngi dahil hindi na mapigilang maiyak.
Labinpitong taon na ang nakalilipas simula nung nakilala nila ang dalawang taong nakatayo sa entablado bilang Ella Dimalanta at Patrick Rivero sa palabas na Growing Up. Hindi pa rin nawala ang angking kagandahan at kagwapuhan ng naturang pares.
Hindi matawarang saya rin ang nakapaskil sa mga mukha ng mag-asawa. Puno ng pasasalamat at galak para sa mga tagahangang hanggang ngayon at walang sawa pa ring andiyan para sa kanila.
Sa gitna ng palakpakan ay may dalawang batang biglang umakyat sa entablado't yumakap sa mga binti nina Kathryn at Daniel sabay sabing, "Mommy!", "Dada!"
ANDA SEDANG MEMBACA
Snippets of BAL
Fiksyen PeminatMere snippets of BAL moments from three fangirls' imagination.
