Nagkagulo ang Twitter world ng ilahad ng isnag tarot card reader ang prediction niya para sa tambalang KathNiel para sa taong 2017. Agad agad na nagtrending ang mga salitang "unexpected pregnancy" dahil na rin sa nabunot nitong pregnancy card.
Halo halo ang naging reaksyon ng mga manunuod sa panggabing talk show ni Boy Abunda; may natuwa, hindi naniniwala, at may nagbigay rin ng mas pinalalim na pagkakaintindi sa prediksyong nailahad.
Papatulog na sana si Daniel nang makatanggap siya ng text galing sa kanyang Tangi.
"Bal..."
Agad agad na tinawagan niya ang kanyang nobya't tinanong ito kung may problema ba.
"Wala naman, may nabasa lang ako sa Twitter."
"What is it, my Tangi?"
Hindi inaasahan ni Daniel ang paghalakhak ng kanyang nobya.
"Bal, prediction daw sa atin sa TWBA is unexpected pregnancy."
"Bakit? Ayaw mo ba nun?"
"Bal, hindi sa ganun, I find it funny lang kasi we had it all planned out na...naunahan na natin sila."
"Anong planned out!? Bal, hindi pa 'yun kongkretong plano ha!" Napabalikwas si Daniel mula sa kanyang kinahihigaan at napausal na lamang ng por Dios por santo!
"Bal, chill, alam ko na 'yun! It's just that, I'm happy lang kasi ilang buwan nalang ang hihintayin natin, malalaman na nila. Alam mo 'yun, Bal? Yung ang tagal nilang hinintay, yung pagtiwala nila sa'tin, feeling ko mapapasaya talaga natin sila."
"Bal, I'm excited too. Biruin mo, ilang taon din natin 'tong tinago sa kanila. Wala tayong sinabi pero andyan pa rin sila, sumusuporta sa atin at ipinagtatanggol tayo. Ilang buwan nalang, Bal.."
Hindi mapigilan ni Kathryn ang mga luhang namuo sa kaniyang mga mata. Hindi biro ang kanilang dinaanan para lang mapanatiling matatag ang samahang kaytagal na nilang tinuring na sagrado. Sagrado dahil importante sa kanila ang kanilang pribadong buhay pero alam nilang dalawa na darating din sila sa puntong ipapaalam nila. They sure did leave out few hints in every interviews and spiels they're in. Hindi naman siguro mahirap basahin ang mga pinapahiwatig nila para sa kanilang mga tagasuporta.
YOU ARE READING
Snippets of BAL
FanfictionMere snippets of BAL moments from three fangirls' imagination.
