♔ Chapter 20 ♔

190 14 6
                                    

*kring* *kring* *kring*

"Uhm." ang sabi ko

*kring* *kring* *kring*

"Uhm." ang sabi ko

*kring* *kring* *kring*

Ano ba yung tunog ng tunog? Alarm ko ba yun? Ang aga naman atang tumunog. Minulat ko ang mga mata ko at hinanap ko kung saan nakalagay yung cellphone ko.

Nakita ko na yung phone ko at pinatay ko na yung alarm. Anong oras na ba at bakit ang parang maagang tumunog yung phone ko. Tinignan ko yung oras at nakitang 7:00 na ng umaga

"SHIT!" napasigaw na sabi ko

OMYGAD! LATE NA AKO SA SCHOOL. Mabilisan akong bumangon at dumiretso papunta sa banyo.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Papasok pa ba ako sa first dance ko o hindi? Ano nang gagawin ko?

Binuksan ko na ang gripo at binuhos ko na ang tubig. Ganito pala ang tubig tuwing umaga, napaka lamig. Lagi kasi maligamgam na tubig ang naaabutan ko dahil nilalagyan ni Mama ng mainit na tubig yung malamig.

Mabilisan akong naligo at nag toothbrush. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa aking kwarto upang magbihis.

Ano kaya ang susuotin ko para sa araw na ito? Mag pants ba ako o mag dress na lang dahil Dance ang unang klase ko.

Kaysa magtagal ako sa kakahanap ng susuotin ko, napilitan na lang akong mag dress kahit na medyo maikli. Lahat kasi ng dress na binibili sa akin ni Mommy eh habang sa hita lang.

Pagkatapos kong magsuot ng damit ay dumiretso na ako sa kwarto ng mga katulong namin.

Grabe talaga! Lahat sila ngayon eh nananatiling tulog. Bakit kasi nasakto pang wala si Mommy at pagod pa ako dahil dun sa audition kahapon.

Pumunta na ako sa higaan ni Manang Corina at ginising ko na siya.

"Manang Corina? Gumising ka na?" ang sabi ko

"Uhm." ang sabi niya

"MANANG PLEASE NAMAN GUMISING KA NA. LATE NA AKO SA SCHOOL." medyo napalakas na sabi ko

Bigla siyang bumangon at nag ayos sa sarili.

"Mam Samantha, sorry po. Sorry po talaga." ang sabi niya

"No problem. Kukunin ko lang po yung susi ng kotse ko. Ako na lang po ang magda drive papuntang school." ang sabi ko

"Eh mam wala na po yung susi niyo dito. Kaninang 1:00 po ng madaling araw eh umuwi po ang mama nyo at nag iwan lang ng documents tapos umalis na rin po at ginamit niya po ung kotse niyo." ang sabi ni Manang

"Eh anong gagamitin kong kotse papuntang school?" ang sabi ko

"Kung gusto niyo po eh gamitin niyo na lang po yung kotse ng mama niyo. Kukunin ko na ba po yung susi?" ang sabi ni Manang

"Sige Manang. Thank you." ang sabi ko

Tumakbo na si Manang papunta sa bodega at kinuha na ang susi at iniabot na sa akin

Pagkatapos kong matanggap yung susi ay dumiretso na ako sa parking lot.

Nakita ko na ang kotse ni Mama.

Mercedes Benz ang kotse ni Mama pero ito yung pinaka latest na kalalabas pa lang ata last year.

Minsan lang ako nakasakay sa kotse nila Mommy kasi lagi naming ginagamit yung kotse ko everytime na pupunta sa mall.

True Love ♥Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα