♔ Chapter 3 ♔

613 108 103
                                    

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

At sa wakas nakarating na kami sa mall.

Aba at natutulog ang mataray na babaitang ito.

At dahil nga mabait ako, itinapat ko ang cellphone ko sa tenga niya na naka full volume ng hindi ko maintindihang kanta na napindot ko.

At dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at nakita niya akong tawa ng tawa.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" pagtataray na sabi ni Sam

Oo nga naman, Bakit nga ba ako tawa ng tawa?

Ganito kasi yan hindi naman ako natatawa sa reaksyon niya, ang cute niya nung minulat niya ang kanyang mga mata.

Tumawa na lang ako para hindi niya makita na namumula ang mga pisngi ko.

"Ito naman, hindi mabiro. Sige ka magtaray ka papangit na nyan. Hahaha. Joke lang" sabi ko.

ABA JAMES CLIFFORD, ITIGIL MO NGA IYANG KALANDIAN MO. KAKIKILALA MO PA LANG SA BABAENG YAN GANYAN KA NA MAKA ASTA. TANDAAN MO ANG MGA BABAE PARE PAREHAS LANG.

Samantha's Point of View

Nakakainis na talaga iyang Clifford na yan.

Nakapasok na kami sa mall. Sabay kaming dumiretso sa Department Store para bumili ng mga requirements.

Naghiwalay muna kami pero sinabihan nya ako na i-text ko daw sya kung tapos na akong bumili ng mga requirements para sabay na kaming magbayad. Binigay nya yung cellphone number sa akin, sabay talikod.

Pumasok na ako sa National Book Store at nagsimula nang hanapin ung mga kailangan ko.

Habang naghahanap ako ng mga kulang pa ay bigla ko syang naiisip. Mukhang mabait, tapos wow ha! First day pa lang nang makilala ko sya, textmate na kami. Astig.

Napakadami namang hinihingi ng mga teacher na ito.

Requirements:

- 5 Cartolina (any color)

- 30pcs Long bond paper

- 30pcs Short bond paper

- 20pcs Colored Paper

- 20pcs Graphing Paper

- 20pcs Ledger Paper

- 20pcs Journal Paper

- 20pcs Oslo Paper

- 2 Yellow Pad paper

Iyan na lang yung kulang ko. Napakadaming papel. Ano ba ang ginagawa ng mga teacher dyan sa mga papel? Minsan nga naiisip ko na kinakain ata nila yung papel, napakadami nilang pinabili then napakabilis maubos, kinakain ba nila iyon o pinanggagatong?

Iyon, nilagay ko na lahat ng mga kailangan ko sa pushcart. Hayy salamat! Masakit rin sa legs mag paikot ikot sa mall with heels.

Naisipan kong gumala pero kailangan ko pang umuwi dahil marami pa akong dapat asikasuhin.

Iyon, tinext ko na si James.

To James:

Hoy kumag. Nandito na ako sa Cashier 14. Pumunta ka na dito, bilisan mo ha, nagugutom na ako. Inabot pa nang isang minuto bago sya nakapag reply.

James: "Wait lang Ganda ha, isa na lang yung kulang ko wag kang hapit." Nung mabasa ko yun, gusto ko sana syang puntahan para sakalin kaso hindi ko alam kung nasaan sya kaya no choice, iintayin ko sya dito sa Cashier 14.

True Love ♥Where stories live. Discover now