CHAPTER 59 (pt. 2)

Start from the beginning
                                    

Sumunod siya dito habang naglalakad. Hindi na nila kailangang lumayo. Marami naman kasing mga coffee shop sa paligid ng Malaya kaya nakahanap na agad sila ng lugar kung saan sila puwedeng mag-usap. Sa isang milk tea shop sila napadpad, hindi niya tuloy maiwasang hindi maalala ang mga panahong nagta-trabaho pa siya sa SerendipiTea.

“Nagre-reminisce ka ba Shar? You’re smiling.” Sabi ni Nash sa kanya. Nang malipat ang tingin niya dito, nakita niya itong nakatitig sa kanya habang naka-ngiti.

“Naaalala mo din pala.”

“Of course.” Maikling sagot nito.

“Nash may sasabihin ako sa’yo, pero puwede bang i-sikreto muna natin ito kay Francis?” sabi niya dito habang direktang nakatingin sa mga mata nito. Alam niyang higit sa lahat, ito ang mapapagkatiwalaan niya ngayon. Ito lang din kasi ang nakaka-alam ng tungkol kay Selene.

“Sige. You know you can trust me on anything.”

“Kahapon, bumalik ako sa JSA. S-Sa lakeside, sa mismong lugar kung saan kami unang nagkita ni Jairus, nagkita ulit kami. He’s alive Nash. And he’s back.”

Inaasahan niyang magugulat ito sa sinabi niya, pero nanatili lang si Nash na nakatingin sa kanya at parang walang kabigla-bigla sa kinuwento niya.

“I know Sharlene. Actually last week pa, kahit si Francis nakita na din si Ella.”

Napakunot ang noo niya doon. “Nagkita sila ni Ella? At paano mo nalaman ang tungkol kay Jairus?”

“Hindi lang ako ang nakaka-alam ng tungkol kay Jai. Pati si Paul at Francis alam na ‘yon.” Nang mapansin siguro nito ang galit sa mga mata niya ay bigla siya nitong hinawakan sa kamay para marahil pigilan siya sa kung ano mang maaring masabi o magawa niya. “Ang hotel nila Jairus sa Cebu ang nag-sponsor sa matutuluyan ng grupo nila Francis na magse-seminar doon. Accidentally, Francis saw Ella and he told us about that. Nag-imbestiga siya at nakumprima niya nga na nandito na sa Pilipinas sila Jairus. Hindi pa sinasabi ni Francis sa’yo dahil humahanap pa siya ng tiyempo, isa pa iniisip lang din niya ang kapakanan mo.”

“Isang taon na silang nandito.” Patuloy niya sa kuwento nito.

“I just found that out yesterday.”

“Ano’ng nangyari sa pagkikita nila Francis at Ella? Pumunta sa bahay si Francis kagabi at halatang malungkot.”

“Hindi natuloy ang kasal nila Jairus at Ella, Sharlene.”

Biglang tumibok ang puso niya ng mabilis. Hindi niya alam kung bakit parang nabunutan siya ng isang malaking tinik na ilang taong ding nakabaon sa puso niya. Mali, pero inaamin niyang nakakaramdam siya ngayon ng saya.

Sharlene! Tama na ‘yan, ‘wag na ‘wag mong mararamdaman ulit ‘yan! Tahimik ka na, kasama mo si Francis. Ayo sang mga pamilya niyo, ayos kayong dalawa. Huwag mong sisirain lahat.

Napa-pikit siya doon. Tahimik na nga sila ngayon. Perpekto ang lahat at halos walang problema. Pero nakakaramdam siya ng pagkukulang at hindi niya alam kung paano niya pupunan ang kulang na ‘yon.

“Dahil ba mahal na ni Ella si Francis?”

Iniangat ni Nash ang mukha niya mula sa pagkakayuko. “Or Jairus is still in love with you. And he’s here now because he wanted you back.”

Napa-ngiti siya ng mapait sa conclusion nito. “How could that possibly happen, Nash? I ruined him. Sinabi ko pa sa kanya noon na hinding-hindi ko siya mamahalin.”

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now