*ding dong*

Gusto ko mapag isa. Wala akong gana humarap sa kahit sinong tao ngayon.

Hindi ko pinapansin yung nag door bell.

I want to be alone.

*ding dong*

"Unnie!!! Buksan mo naman 'to! Please!! "

Di ko mapigilan maiyak ng todo ng marinig ko ang sigaw ng tao mula sa labas ng bahay ko.

Ayaw ko sana muna makipag usap sa kung sinong tao ngayon pero sa tingin ko kailangan ko siya...

Kailangan ko ang totoong kapatid ko.

"Unnie!! Si Krystal to. Please open the door!"

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto. Bawat hakbang ng paa ko ay siyang pagtulo rin ng luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Pagkabukas ko ng pintuan, sinalubong ako ni Krystal ng mahigpit na yakap.

Mas lalo akong humagulgol sa iyak.

Kahit wala pa siyang sinasabing salita, alam kong ramdam niya ang sakit na nararamdaman ko..

Para akong namatayan.

Nawala nalang ako agad agad sa grupo na pinaghirapan ko salihan.

Ilang taon ako nag sikap sa SNSD. Ilang taon ako nagpakita ng determinasyon ko para sa SNSD promotions. Ilang taon ako nag-tiyaga para sa ikakasaya ng mga nagmamahal sa amin.

Pero bakit parang bula lang ang lahat ng paghihirap ko sa kanila. Basta basta nalang nawala.

"Unnie wag ka na umiyak please."

Umalis si Krystal sa pagkakayakap namin at pinunasan ang mga luha ko.

*sobs*

"Bakit sila ganun? Bakit nangyayari sa akin ito?" tanong ko sa kanya habang patuloy sa pag-iyak.

"Hindi ko rin inaasahan na aalisin ka na nila sa SNSD. "

Kahit ako. Hindi ko rin naman talaga inasahan. Dahil unang una sa lahat, humingi ako ng permiso noon pa sa CEO ng SM Entertainment na magkakaroon ako ng sariling business habang pinopromote ang SNSD. Sumang-ayon naman sila. Preparations palang ng business ko na BLANC, alam na nila.

Nung nag-launch ako ng business, nakatanggap naman ako ng mga congratulations mula sa members ko. Akala ko noon suportado nila ako. Pero nung nakareceive ako ng notification na may urgent meeting ngayon sa SM, at aalisin na daw ako sa SNSD, nagulat ako.

Nakakagulat talaga. Pero mas ikinagulat ko ng mismong co- members ko ay sumang-ayon sa decision ng company para paalisin ako.

Ang sakit :(

Kahit naman may personal business ako sa buhay, never ko tinalikuran ang SNSD. Ito ang first priority ko noon pa at hindi nagbago yun simula ng magka business ako.

Isang buwan palang simula ng launching ng BLANC, tinanggal na nila ako. Gusto nila mamili ako kung ano ang mas pipiliin ko, kung ang business ko or ang group ko. Hindi ko alam kung ano yung sapat at totoong dahilan nila para gawin sa akin ito. Pinwersa nila ako na alisin sa SNSD.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Jung SistersWhere stories live. Discover now