I rolled my eyes but then signaled them to compress. I saw Chloe grabbed Dylan's arm and moved him beside her through the lense. Tumaas ang kilay ko bago sila kuhanan. Lumuhod pa ko para makakuha ng magandang angulo. Medyo nahirapan nga lang ako dahil sa heels at mababang neckline ko pero buti nalang naka-vest ako na may logo ng school at papyrus.

Nang makatayo ako ay ngumiti ako sa kanila at kumaway. Chloe, who was all so happy with what's happening continued to wave around the place. She pointed something to me.

"Sila Kathy ando'n." She mouthed. True to her words, I saw Shiela and Kathy on one of the benches waving and shouting to out team. Kumaway din ako pabalik.

Paglingon ko ay nagtama ang paningin namin ni Dylan. He looked at me from head to toe. Nakakailang ang mga tinging 'yon. It was lingering and leaving tingled on it's trails.

I bit my lips and took another photo. Nang tinawag ang sumunod na school ay umalis na 'ko para makuhanan ito ng litrato. Throughout that, I could still feel that someone was looking at me. I remember how I despised the way he looked at me. Now, the tables had turned and I was liking it more and more. It's drilling and I had the urge to look back but I didn't.

Nang matapos na ang pag papakilala ng bawat unibersidad, the teams started to exit in an organized way. The coaches remained for huddle. Patuloy parin ang mga pagsigaw ng mga tao lalo na't ang susunod na programa ay ang cheerleading competition.

Imbes na lumapit ako kayla Kathy at Shiela ay tinahak ko ang nilabasan ng mga kalahok. Pwede akong kumuha pa ng mga litrato ng mga team ng kani kanilang laro.

Magulo at medyo maingay ang naabutan ko. Nasa pasilyo lamang kasi silang lahat. Ang iba ay nakaupo ay ang iba ay nakatayo habang nagpapasahan ng mga bola. Iniiwasan ko ang mga 'yon. May nadaanan pa kong mga chess team mula sa ibang school na nakaupo sa sahig habang nagkalatag sa sahig ang chess mat at naglalaro.

Nang makita ko ang kulay ng university namin at naglakad takbo ako.

"Hi, guys!" I chirped to our tennis team. "I need to take pictures so pose for me please."

Para silang mga batang naghiyawan ay mabilis na nagkumpulan. Panay ang sabi nila ng 'isa pa'. Syempre ako naman kuha lang ng kuha.

Of course after that, they rushed to my side to look at the pictures I took. Napailing na lamang ako dahil lahat naman ng kuha ko maganda. Gusto lang nila makita kung maganda sila mismo don sa larawan. Hindi man aminin ng iba pero lahat naman ay may narcissistic side.

Sumunod ang chess team. Nagsisimula palang sila sa paglalatag ng chess mat pero hininto na muna nila ito para sa picture. Naghintay muna ako saglit na malatag nilang lahat ung board para makuhanan sila habang naglalaro.

"Ms. Varsity Catcher, kami naman!" I tore my eyes from the screen of the camera and looked up.

Napangiti ako at lumapit sa badminton team. Nagpupunas ako ng pawis habang lumalapit sa kanila.

"Artie, ikaw na magpunas ng pawis ni Iara." Nabigla ako sa joke nilang 'yon pero buti nalang sanay na 'ko.

I composed myself and threw them a sweet smile before landing my gaze to Artie who's cheeks were flushing red. Siya ung dating tumatambay sa tapat ng locker ko. Naghiyawan sila ay tinulak tulak pa si Artie palapit sa'kin. I looked at the wristbands he's wearing in both wrists. Hopefully hindi niya ibigay ang isa.

The Virgin Lies (Published under LIB)Where stories live. Discover now