Chapter 16

144K 2.8K 237
                                    

I was decided to give it to Dylan today but guess what? Naibigay ko sa kapatid niya 'yon.

Stupid! Stupid, Iara.

Seriously? Bakit kasi magka kulay at pareho sila ng tela? I need to have it back pero pa'no?

You messed up big time, Iara. Big time!

"Mamaya ko na titignan yung mga pictures na kinuha mo. Aakyat ako sa taas. Pupunta ako sa gitna para makakuha ako ng magandang shot at buong lugat ang makunan. Ang main focus mo ay ung nga players."

Isa pa 'to sa problema ko. Si Xavier na parang nag-iba ang pakikitungo sa'kin. It's like he's treating me like a colleague and not a friend. Akala ko close na kami pero anong nangyari?

Balak ko pa naman na tanungin siya kung bakit hindi niya sinabi na si Dylan talaga ang nakahanap ng recorder ko pero parang 'wag nalang. Kung ganyan niya ko pakitunguhan, bahala siya. Nakakainis din siya eh.

Ginawa ko ang sinabi ni Xavier. Kinuhanan ko ng mga pictures and bawat kalahok na nasa gitna ng basketball covered court. Malawak itong arena. Sobrang dami ng tao. May mga balloons tapos mga banners na hawak ng mga tao na nakaupo sa taas.

Some of them even brought drums and shouting their chants and jingles. Ang nakakatawa ay may mga condom na ginawang lobo at ngayo'y pinagpapasa pasahan na sa taas.

Pumunta ako sa gitna. Malapit sa announcer. I took shot of each team after they're being called and marched to the center. Hindi lang basketball team ito. Pati volleyball, badminton, track and field, tennis—pati chess team kasama. Pangalawa na ang tinawag at huminto sila sa tabi ng pang-una. They were all lined up perfectly with their banners being held up with two of their teams and muse between them.

Sumunod ang school namin. Syempre, unang makikita si Chloe na suot ang red and blue fitted sando at maikling shorts. Napapagitnaan siya ng head ng sports team namin at assistant nito na parehong nakasuot ng university jackets. She was all smiles and waves.

Hawak ng head ng sports team ang isang dulo ng banner namin at ang assistant sa kabila. It was a head of a dragon with part of gears around it.

Nag-ingay muli ang mga tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nag-ingay muli ang mga tao. Pati ako ay nakisigaw bago kumuha ng litato gamit ang Nikon camera na pagmamay-ari ng Papyrus. Nasa likod lamang ni Chloe ang basketball team. All teams were wearing their uniforms. Kulay blue ang tema at may logo namin sa likod pati pangalan ng university. There's also a mini logo on the left chest area.

Kuha ako ng kuha ng pictures hanggang makita ako mismo ni Chloe.

"Iara! Take some pic!" So ano 'tong kanina ko pa ginagawa? Jackstone?

The Virgin Lies (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon