Chapter Five - Expect the Unexpected

Start from the beginning
                                    

Pinagmasdan niya si Greg. Guwapo naman ang isang ‘to. May sira nga lang sa utak.




“Greg, you know na hindi ko matatanggap ang offer mo, at least not now.”

“Why not?”

“Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay para sa sarili ko. Madami pa akong mga planong gusto kong matupad.”

Hindi kaagad nakasagot ang binata. Nakaharap ito sa glass window kung saan makikita ang kabuuan ng Maynila. How could I marry someone who was already in love with someone else?




She saw Serena hug Greg from the back. “Babe. Just give me little more time, okay? Meron kasi akong offer from Mirage Productions. It’s an international movie and I think it’s a total waste kung tatanggihan ko. Not all Filipino actors or actresses are given this kind of privilege you know.” Paglalambing nito kay Greg.

“Pagkatapos ng movie na ‘to ay pwede na tayong mag-usap tungkol sa wedding. Please, babe. Just this one.” At kumawala ito sa pagkayakap kay Greg and kissed him full on the lips.

Parang may kung anong pagtatanggi siyang naramadaman dahil sa nakita. What the hell is wrong with you, Gabrielle?




Nakatitig siya sa mukha ng binata. He looked so… sexy. Nang biglang dumilat ang mga mata nito at nakatingin sa may pinto kung nasaan siya. Tumago kaagad siya hoping na hindi siya nakita nito.

“I may not be there for you anymore, Serena.” Narinig niyang sabi ni Greg sa babae.

“What do you me—” Tumunog ang cellphone nito. Sumilip na naman siya sa loob. Nakita niyang nakamasid lang si Greg sa babae habang may kinakausap ito sa cellphone nito.

“Greg, that was my manager. Tinatawag na ako. Malapit na daw magsisimula ang presscon ng teleserye ko. I have to go.” Hinalikan ulit nito si Greg sa labi at tumungo na sa pinto.

Nagmamadali siyang umalis sa may pintuan. Umupo sa swivel chair harap ng secretary’s table at nagkunwaring nababagot. Lumabas na ito sa opisina ni Greg pero huminto ng nakita siya.

“Who are you and what are you doing here?”

“I’m here to see Mr. Hontiveros.” Tumayo siya at nag sukatan sila ng tingin ni Serena.

“Well, he’s busy.” Hinead-to-foot siya nito.

“Oh, I think he’s not. It’s lunch break.” Akala mo ha?




May sasabihin pa sana ito ng tumunog na naman ang cellphone nito. Walang salitang umalis na kaagad ito. Grabe talaga ang mga taong willing i-sacrifice ang minamahal para sa career. Bobeta!




Huminga siya ng malalim habang kumakatok sa pintuan at walang pagdadalawang pumasok. Nakita niyang nagsasalin ito ng wine sa baso pagpasok niya. Tiningnan niya ang kabuuan ng office nito. Very formal but with a touch of class.




Umupo siya sa sofa at pinagkrus ang paa. Nakita niyang nakakunot ang mga noo nitong nakamasid sa kanya habang umiinom ng alak. “Sino ka? And what are you doing here in my office?”

Sinasabi niya na nga ba. Hindi na siya natatandaan nito. Nakangiting pinagmasdan niya ito. “Why, Mr. Hontiveros, I came here to visit you. Para kamustahin ka.”

Mas lalong kumunot ang noo nito. Ba’t ba kasi ang gwapo nito? Nakakalimutan na niya tuloy ang pakay niya. “Again, sino ka? Are you here to sell yourself or something?”

Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Dapat hindi niya ipakitang nabubuwisit siya dito dahil siguradong talo siya once she did. “Oh, I don’t need to sell myself to you, Mr. Hontiveros.”

“Pumunta ako dito para sabihin sayong tantanan mo na ang Oregon Building. Madami ka namang ibang pwedeng bilhin aside from that place.” Patuloy niya.

Ngumiti ito. “Woman, I don’t even know you. Then you dash inside my office acting like some crazy…” Hindi nito tinapos ang sasabihin.

“Oh, you know me, Greg Hontiveros The Third. Ako ang babaeng pinakulong mo two nights ago.” Ngumingiting pahayag niya.

A Deal is a DealWhere stories live. Discover now