Twenty Five- Space

1.7K 24 0
                                    

Sandra's POV

After that thing lumabas sila Kc sa pinagtataguan nila at maya't maya nila ako tinutukso. Kesyo halik lang daw ang katapat ko chuchu. Haha! Sabi ko naman hindi pero kunyari pa daw ako at amg swerte ko raw ka Adam. Well, yeah I am so damn lucky because he's mine.

Nung mga araw kasi na hindi nya ako pinapansin as in pakiramdam ko sawa na sya sakin dahil natiis nya ako ng dalawang linggo. Akala ko talaga hindi na nya ako mahal.

Ang sakit kayang isipin na hindi ka na mahal ng taong mahal na mahal mo. Tsk!

Kanina pa kami nandito sa simbahan dahil nagsisimba malamang. Ano bang ginagawa sa simbahan? Tsk! Kanina pa din nagvivibrate yung cellphone ko pero hindi ko makuha dahil papagalitan ako ni mommy.

Tumingin tingin lang ako sa paligid nung may mahagip ang mga mata ko. It's Adam with his family. He smiled at me and I smiled back. Kinawayan ako ni Faith pati ni Cris, yung kambal kaya kinawayan ko rin sila.

"Cassandra." Mahinang sabi ni daddy kaya iniwas ko ang tingin ko kanila Adam tapos tumingin ulit kay father.

Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa side nila Adam kaya pasimple akong tumitingin sakanila at nagkakatinginan naman kami.

Iniwas ko ang tingin ko when Adam mouthed 'I love you'. I can't help but to smile and bite my lips pero wala e. Ang hirap pigilin ng kilig. Haha! Sheez. Boyfriend ko na sya't lahat lahat kinikilig pa rin ako. Iba talaga ang epekto sakin ng lalaking yun.

Komunyon na at nagkatabi kami sa pila ni Adam pero hindi kami nagpapansinan dahil kasama ko sila Daddy.

Pagkabalik ko sa pwesto ko ay lumuhod agad ako para magdasal.

Lord, salamat po sa patuloy nyong pagiingat at paggabay sakin. Sorry po kung naglilihim ako kanila mommy at daddy. Sana po maintindihan nila ako at kayo din po. Salamat din po sa blessings na patuloy nyong ipinagkakaloob sakin. Patawarin nyo po ako sa mga kasalanang nagawa ko. Lord, itinataas ko rin po sainyo ang relasyon namin ni Adam. Alam ko naman pong bata pa po talaga kami para sumubok sa relasyon namin pero Lord mahal ko po talaga sya at sana po gabayan nyo pa rin po ang relasyon namin kahit itinatago ko ito kanila mommy at daddy. Mahal po namin ni Adam ang isa't isa kaya kayo na po ang bahala samin. Thank you po, papa Jesus. Amen.

After kong magdasal ay umupo na ako. Pasimple akong tumingin kay Adam at nakita kong kakatapos nya lang din. Hmmm. I wonder kung anong pinagdasal nya.

Sana lang talaga at magtagal kami habang buhay. Pagkatapos ng misa ay pinauna muna namin lumabas ang iba para hindi siksikan.

"Daddy, uuwi na po ba tayo?" I asked.

He simply shook his head, "Not yet, sweetheart. Kakain muna tayo ng dinner somewhere." He said and I nodded my head on him.

Nakasabay namin sila Adam sa paglabas and sheez super kinakabahan ako dahil baka makilala sya ni Daddy or ni Mommy. Wish ko lang na 'wag akong tawagin ng kahit na sino sakanila. Tsk!

"Ate Sandra!" Uh- oh! Kakasabi ko lang e. Huhu!

I faced them, "Hello kiddos." I looked on Tita Lindy and tito Raven and to Ate Charmaine, "Hello po!" I said at nginitian ko silang lahat pati si Adam. Sheez! Don't tell me magsisinungaling agad ako? Tsk!

Lord, sana po wag akong tanungin ni Da--, "Who are they, sweetheart?" Daddy asked.

Gulp.

"Ah.. Ah.. Ano Daddy." I said while biting my lips. Sheez. Anong sasabihin ko? Huhu! Lord, Help meeeeee!!

"Oh, wait! You look familiar, kiddo." Daddy said while looking intently to Adam. I start became uneasy. Fudge!

Kailangan ko ng himala ngayon para hindi ko sila mapakilala! Lord, help me! I need you help! Huhu.

ILY Baby [COMPLETE]Where stories live. Discover now